Mali bang magalit dahil nasaktan ako? Masama bang magtanim ng sama ng loob matapos akong lokohin, pinaasa, pinaiyak at pinaniwala sa pagmamahal na sinungaling at walang kwenta?
Ang lakas mong bumitaw ng mga salitang hindi mo naman kayang panindigan. Ang dali para sa iyo na paikot-ikotin ang isang taong tapat namang nagmamahal sayo. Sana hindi nalang sana kita minahal kung iiwan mo lang din pala ako. Sana hindi na lang kita minahal kung sasaktan mo lang din pala ako. Sana hindi na lang sana, pero ano pa ngaba ang magagawa ko, nahuli na ako ng bibig mong sinungaling, nang mata mong mapaglinlang at nang puso mong walang puso.
Nasan na? Nasan na ang mga pangako mo? Mga pangakong ako lang anuman ang mangyari. Pangakong bibigkas mo nang may kay gandang ngiti na sa akin ay nagpakilig dito sa mumunti at mapagmahal kong damdamin. Nasan na ang pangako mong hindi mo ako iiwan? Pangako mong nagpabilis sa tibok nitong puso. Pangako mong kinapitan ko, inasahan ko at hinintay kong mangyari. Ang tanong. mangyayari nga ba?
Nasan na? Nasan na ng pangako mong pagmamahal?Pangakong sabay nating aabutin ang ating mga pangarap. Pangarap na ikaw at ako ay magmamahalan sa gitna ng mga problema. Pangarap na aalagaan natin ang isat-isa hanggang sa pumuti na ang buhok natin. Pero bakit? Bakit ang mga pangako mo ay naging pangarap na lang? Pangarap na malabo ng makamtan, mahawakan at madama.
Ang sabi mo sa akin ipaglalaban mo ako. And sabi mo magiging matatag at matapang ka para sa ating dalawa. Sabi mo may magandang bukas na naghihintay sa ating dalawa. Pero walang nangyari ni isa sa mga pinagssabi mo. Magaling ka OO na!Ang galing mong bumitaw ng mga salitang hindi mo naman kayang tuparin. Nasaan na ang sinasabi mong magandang kinabukasan na naghihintay sa ating dalawa? Araw, linggo, buwan at mga taon na ang lumipas subalit ni minsan hindi ko naramdaman at naranasan ang magandang kinabukasan na pinangako mo. Araw-araw pinamumukha mo sa akin na wala kang pakialam. Andiyan kanga, pero utak mo lutang na lutang.
Isang araw nagkaroon tayo nang isang hindi pagkakaintindihan. Kinompronta kita dahil pagod na akong pasayahin ang sarili sa bawat sakit na pinaparamdam mo ngunit hindi kita sinukuan. Pagod na akong magpanggap na masaya at lokohin ang sarili ko.
Isang araw nagkaroon tayo nang isang hindi pagkakaintindihan. Isang maliit na problema agad kang sumuko. Kinabukasan nalaman ko na lang may iba kana. Wow ha! Ang bilis! Ang bilis-bilis mo!!
Nasan na? Nasan na ang pangako mong hindi ka bibitaw? Nasan na ang pangako mong pangako? Kung alam ko lang sana na walang patutunguhan ang lahat, hindi na sana ako umasa sa mga pangako mong napako at mga pangako mong mananatiling mga pangako na lamang.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PuisiLove heals, love hurts. Masakit ngunit hinahanap-hanap. Ang tanong, Until when? Hanggang kailan maninindigan sa ngalan ng pag-ibig o hanggang kailan masasabing tama na?