Bakit?

184 2 0
                                    

Kapag tumulo na ang mga luha, kapag dama na ang kalungkutan, tsaka mo lang ba masasabing masaya ang magmahal? Dahil inaasahan mong hindi kana luluha pa o baka ang totoo ay natatakot ka sa badya ng katotohanang wawasak ulit sayo.

BAkit ngaba kailangang umiyak, para makita ang ngiti? Bakit kailangang malungkot, para maging masaya? Bakit pa kailangang magpakamali, Para maging tama?At higit sa lahat bakit kailangang masaktan, para mahalin?

Nang ginusto kong mahalin ka, ni minsan hindi ko inisip na kailangan ko palang umiyak, lumaban, mag-isa at higit sa lahat ay ang masaktan. Minahal kita simple lang dahil mahal kita. Pero bakit? BAkit nagbabadya pa rin ang banta ng isang hindi kaaya-ayang wakas.

Kinain ko ang pride ko kasi mahal kita. Ang mahalaga kasi ay masaya ka. Pero lagi ko paring dinadalangin na sayo ako ay higit ninuman. Subalit hindi naging mabuti ang ikot ng mundo. Minahal kita, pinaglaruan mo lang pala ako.

You embraced that someone more than you embraced me. You comfort that someone more than you do to me. Hinawakan mo sya higit sa akin. Niyakap mo sya higit pa sa kung paano mo ako niyakap at ang pinakamasakit pa ay minahal mo sya more than you love me. Bakit?

Spoken  Word  PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon