Minahal kita hindi dahil kailangan kita. Minahal kita hindi dahil yun ang dapat. Dapat bang dapat kitang mahalin sa kung anong meron ka na wala ako? Minahal kita hindi dahil napipilitan lang. Minahal kita hindi dahil sa kung anong meron ako na wala ka. Minahal kita dahil mahal kita.
Minahal kita hindi dahil sa awa. minahal kita hindi dahil nakita ko ang iyong pagluha, ang iyong hinagpis ng iniwan ka nya. Dama ko ang sakit ng hindi minahal ng taong mahal na mhal mo. Dama ko ang hirap sa paghihintay na may magbabago sa takbo ng pangyayari. Damang dama ko ang sakit kapag ang mahal mo ay may mahal na palang iba. Oo dama ko dahil tulad mo, nagmahal din ako ng atong hindi man lang ako pansin.
At ang taong yun ay kaw.
Minsan napapaluha na lang ako na nakikita kang nasasaktan. Nahihirapan ako kapag nahihirapan ka. Alam ko ang pakiramdam ng hindi minahal. Umiyak ako kahit hindi dapat. Bakit ba kasi malupit ang mundo sa ating nagmamahal amang. Minahal kita, minahal mo sya, sobrang unfair ganito na lang ba?
Parang ikaw ay ako. Nasaktan dahil tanga. Pero minsan hindi na rin masama ang maging tanga,dahi ibig sabihin nagmahal ka. Sana nga lang ganun ang ang pagiging tanga pero hindi rin. Dahil kapag tanga ka, ibig sabihin masasaktan ka, ibig sabihin ikaw lang ang nagmahal, ibig sabihin madudurog ka, ibg sabihin naghhintay ka sa wala or should I say kawawa ka, kawawa ako, kawawa tayong tanga.
Masakit at mahirap pero bakit mas pinipili pa natin ang maging tanga?Dahil ba naniniwala tayo sa tadhana o tadhana mismo ang ayaw sa atin?
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoetryLove heals, love hurts. Masakit ngunit hinahanap-hanap. Ang tanong, Until when? Hanggang kailan maninindigan sa ngalan ng pag-ibig o hanggang kailan masasabing tama na?