Chapter 9 : I almost see her again...

22.3K 547 4
                                    

QUEEN PYXIE'S POV

Kasalukuyan akong nasa karwahe ngayon at tumitingin sa labas. Ang sariwa ng hangin. Hindi pa rin nagbabago ang lugar na ito. Ramdam ko pa rin ang lungkot nila simula nung gabing nawala siya.

May napansin akong babae na nakasuot ng pink floral na dress. Hindi ko alam pero sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Bakit parang kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya? Bakit parang bumilis ang tibok ng puso ko? Bakit parang gusto ko siyang puntahan at yakapin?

Hindi ko na lang pinansin yung naramdaman ko doon sa babae at tumingin na lang ulit sa labas. Maya maya nakarating na kami sa botique na palagi kong pinapatahian ng mga gown ko.

***

"Ate Roxy..." Tawag ko sa owner ng botique at ang taga tahi ng gown ko. Napansin ko naman siya na lumabas sa kwarto kung nasaan palagi ang gown ko at namumutla siya?

"Queen Pyxie?" Tanong niya sa akin na ipinagtaka ko.

"May nangyari po ba sa inyo ate? Bakit parang namumutla po kayo?"

"Kung ikaw si Queen Pyxie... Sino yung babaeng kamukha mo? " Sabi niya sa sarili niya at nagpalingon lingon sa akin at sa pinto kung nasaan ang gown ko. Pero wait......... Babaeng kamukha ko?

"Sino pong babaeng kamukha ko ate?" Tanong ko na lang. Ewan ko pero bumilis ulit ang tibok ng puso ko na kinakabahan. Bakit parang gustong gusto ko makilala yung babaeng sinasabi niya?

"May pumunta po ditong babae Queen Pyxie. Akala ko nga po kayo siya kaya dinala ko po siya sa Royal Dressing Room. Iniwan ko lang po siya doon tapos pagbalik ko po, nakita ko na po siyang suot suot ang bago ko pong tahing dress para kay Princess Anyx. Nung nakita ko po siyang suot po ang dress ni Princess Anyx, mas naging kamukha niyo po siya pero kapag tinitigan niyo po siya kamukha naman po siya ng Hari. Pero nakakapagtaka po kasi fit na fit po sa kanya yung dress at mas maliit po sa inyo konti ng height po Mahal na Reyna." Pagpapaliwanag niya at halatang naguguluhan din siya.

Mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko at mas lalo akong nasabik na makita yung babaeng tinutukoy niya.

Hindi kaya siya yung babaeng nakita ko kanina? Hindi kaya siya ang anak ko? Hindi kaya siya si Anyx Thana?

"Nasaan yung babaeng sinasabi mo?" Tanong ko bigla sa kanya at pati siya ay nagulat at naguluhan.

"Kakalabas lang po niya Your Highness, siguro mga tatlong minuto na po." Sabi niya kaya agad akong lumabas para hanapin siya pero hindi ko na siya matanaw pa. Naramdaman ko naman na sumunod sa akin si Ate Roxy.

"Ate ano pong suot niyang damit?"

"Pink Floral Dress po Your Highness." Sabi ni Ate Roxy habang nakayuko.

"Sige. Mauna na ako. Ipadala mo na lang ang pinatahi kong gown sa palasyo." Sabi ko at agad na sumakay sa karwaheng sinasakyan ko kanina.......

Race Of All Race : The Lost Powerful Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon