Chapter 70 : Loving from afar.....

15.1K 288 8
                                    

THIRD PERSON'S POV

Lahat ay nagsasaya sa Enchanted Ball. Ngunit hindi nila napapansin na may naka-manman na pala sa kanila.

"Ipaalam niyong nakabalik na ang Prinsesa. Dito lang muna kami mananatili para manmanan sila."

"Opo Princess Harmony." Sabi ng alagad at umalis na.

"Kyaaa!!!! Ate you're so good! Ngayon wala na tayong bantay!" Princess Wisdom.

"Oo nga ate! Ngayon mapapag-patuloy ko na ang pagsulyap ko sa Prince Charming ko!" Princess Peace.

Umiling na lang ang kanilang ate at patuloy na tinitigan ang kanyang minamahal na si Prince Vaughn.

Bata pa lamang sila ay nagkakagusto na silang tatlo sa tatlong Prinsipe.

Alam nilang hindi pwede ang pag-ibig nila para sa prinsipe pero hindi nila mapigilan ang pagmamahal nila.

"Ate, paano kaya kung tumakas tayo?" Tanong bigla ni Princess Wisdom.

"Oo nga ate. Hindi ba pwedeng magpakalayo layo tayo at mamuhay sa buhay na gusto natin?" Dagdag ni Princess Peace.

"Alam niyong hindi pwede. Kahit ako gusto ko rin pero mahal ko din ang mga magulang natin." Sagot ni Princess Harmony.

Nalulungkot siya kasi hindi niya kayang ipagtapat at iparamdam o kahit na magpakilala sa taong mahal niya.

Tatlong magkakapatid na nagkakagusto sa tatlong magkakapatid ding mga Prinsipe.

Mga Prinsesang pinagbawal umibig sa kaaway.

Mga Prinsesang hindi ginusto mamuhay sa kinagisnang buhay ng kanilang magulang.

Sila ang mga Prinsesang ayaw sa gulo at gustong mamuhay ng normal kasama ang kanilang mga minamahal.................

Race Of All Race : The Lost Powerful Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon