Chapter 64 : She's Awake!

17.5K 298 1
                                    

VAUGHN'S POV

"Hoy kambal, uwi na tayo." Sabi ko sa kambal kong kapatid.

Nandito kami ngayon sa Canteen. Niyaya kasi ako nina Thane at Oswin bumili ng pagkain para kay Anyx.

Baka daw kasi magising na siya at maghanap ng pagkain. Tss nagabala pa silang bumili eh pwede namang ipaluto na lang sa Castle Chef namin.

"Oo na kuya. Wait lang." Oswin.

"Si kuya naman eh parang may lakad." Thane.

Ang bagal nila sa totoo lang. Kanina pa sila order ng order tapos naman itong babaeng nagaasikaso nakatunganga lang.
Tss mas gwapo naman ako sa mga kapatid ko noh....

"Tara na kuya!" Thane.

"Uwi na tayo kuya. Gusto ko na ulit makita si Anyx." Oswin.

"Tagal niyo. Para kayong babae." Sabi ko sa kanila sabay talikod. Narinig ko naman na tumawa sila kaya nilingon ko sila at tinaasan ng kilay.

"Lagot ka! Isusumbong ka namin kay mommy!" Wow ah. Duet pa sila. Pero anong sabi nila? Isusumbong nila ako kay mommy? Aba! Lagot sila sakin!

"Hoy kayong dalawa. Subukan niyo lang magsumbong kay mommy, isusumbong ko din kayo kay daddy na hindi kayo umaattend ng Royal Classes niyo." Hahahaha nakita ko naman na nagulat sila.

Akala nila hindi ko alam ha. Nagsusumbong kaya sa akin yung professor nila. Mabuti na lang panganay ako at tapos na ako sa Royal Classes na yan hahahahahahaha.

"Kuya naman eh hindi mabiro." Oswin

"Hehehehe peace tayo kuya!" Thane.

"Tara na nga. Magteleport na lang tayo para mabilis. Ang tagal niyo kasi eh." Sabi ko sa kanila at iniwan sila.

Naramdaman ko naman na sumunod sila sa akin kaya nandito na agad kami sa harap ng pinto ni Anyx.

*Tok Tok Tok*

"Mommy-" Naputol yung sasabihin ko kasi nakita kong walang tao sa kwarto ni Anyx. Pati din si Anyx wala.

Nandito lang siya nung iniwan namin siya kanina ah!!! Paanong nangyaring wala na siya???!!!!

"Kuya bakit-" Naputol din sasabihin ni Thane kasi napansin din nila na wala si Anyx sa higaan niya.

"Nasaan na si Anyx?" Oswin.

"Hindi kaya..." Thane.

"Gising na si little sis!" Aish! Ang sakit sa tenga! Sabay pa silang sumigaw.

"Kambal nga kayo." Sabi ko sa kanila sabay alis. Gusto ko nang makita si Anyx. Namimiss ko na siya. Sana nga gising na siya.

***

Halos nalibot na namin itong buong palasyo pero hindi pa rin namin nakikita si Anyx at sila mommy. Hmm nasaan na kaya sila????

"Kuya kanina pa tayo naghahanap. Wala naman sila mommy at Anyx." Thane.

"Oo nga, pagod na kami." Oswin.
Tsk ito talagang kambal na ito. Palagi na lang tinatamad. Pero tama din sila.

Ang laki kaya nitong palasyo para libutin namin. Hmm, well isa na lang ang hindi pa namin napupuntahan...........

"Last na, baka nasa garden sila." Sabi ko sa kanila. Tinunguan na lang nila ako at sumunod sa akin.

"Kuya!" Tawag agad sa amin ni Anyx pagkarating namin sa garden. Kasama niya sina mommy at daddy. At ngiting ngiti sila??? Anong meron???

Hayaan mo na nga........ Itatanong ko na lang mamaya. Tama nga sila Thane at Oswin.

Gising na ang kapatid namin!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Race Of All Race : The Lost Powerful Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon