Kiara.
"Paano na si Kuya Jai?! Paano na ang love story n'yo?! Paano na 'yung pagiging matchmaker ko--AWW!"
Kinutusan ko nga. Kung anu-ano na naman ang lumalabas sa bibig eh.
"Magtigil ka nga, Janessa."
"Eh kasi naman! Baka mamaya d'yan magsimula ang love story n'yo ni Stephen, paano na kayo ng kuya ko?!" Ayaw pa rin tumigil ni Janessa.
"Hay nako, kaya ayokong nagkukwento sa'yo eh. Masyado kang malisyosa." Reklamo ko.
"Oy, pero kidding aside ha. Bagay kayo ni Stephen, pero mas bagay kayo ng kuya ko. Hehe." Sabi pa niya.
Andito kami sa swimming pool ngayon. Nakalubog lang ang mga paa namin sa pool.
"Walang may bagay sa'kin, okay? Kuya mo 'di talaga nagkagusto sa'kin, tapos 'yang Stephen na 'yan, 'di magkakagusto sa'kin. Gets mo?" Turan ko.
"Ayan tayo eh. Napaka-nega mo kasi." Sagot niya.
"Saka 'di naman ako nagmamadali magka-lovelife 'no. Pero aaminin ko din naman na medyo na-huhurt ako kasi ang tagal-tagal ko ng crush 'yung kuya mo, ang tagal nating magkakasama pero 'di talaga siya nagkagusto sa'kin." Pag-oopen ko sa kanya.
Bestfriend ko naman siya afterall, so, kahit mapa-kalokohan o seryosohang usapan eh nand'yan lang siya sa tabi ko para makinig sa'kin.
"Ewan ko ba d'yan kay kuya. Maganda ka naman, matalino, mabait uhm wait, sakto lang pala. May pagkamaldita ka kasi. Tapos masipag ka din, ay teka, medyo lang pala kasi nga minsan tamad ka maligo. Tapos 'di ka pa marunong magluto, maarte ka pa minsan, tapos lakwatsera ka pa--"
"Teka, teka, teka. Puro negative sides naman 'yan eh. Pinaglololoko mo na naman ako." Sabi ko at sumimangot.
"Pero 'di ba! True love kapag tinanggap ng isang tao 'yung lahat ng flaws ng taong mahal niya! Kaya kahit ano pa 'yang ugali mo, kung hindi lang itsura 'yung magustuhan niya sa'yo.. Ay ang swerte mo 'day." Litanya niya.
"Sabagay. Pero 'di naman ako nagmamadali eh. Hihintayin ko na lang dumating 'yung tamang panahon. Para 'di ako masaktan ng bongga. Less expectation, less sakit!" Sabi ko.
"Ay, power!" Sabi naman ni Janessa.
"Ma'am! Tawag na po kayo sa loob! Kakain na daw po ng pananghalian." Tinawag na kami ni Trining.
"Tara na, bes." Pag-aaya sa'kin ni Janessa.
Tumayo na kami. "Ano kayang ulam?" Tanong ko.
"Bigla akong nagutom." Sabi naman niya.
Nagtinginan kaming dalawa. Parehas talaga kami lagi ng naiisip at nararamdaman. Bigla namang kumulo 'yung tiyan ko.
"TARA NAAAAAA!"
"So, kumusta naman 'yung pag-aaral n'yo?" Tanong sa'min ni dad.
Salu-salo kaming nanananghalian ngayon. Ako, mom and dad, at Janessa. 'Di naman na bago kapag kumakain dito si Janessa dito sa'min, pamilya na rin kasi ang turing namin sa kanya atsaka lagi naman nakikikain 'yan dito. Sanayan lang 'yan. Joke.
"So far, so good, dad." Sagot ko.
"May manliligaw na nga po 'yan si Kiara, tito eh!" Sabat ni Janessa.
"Hoy! Anong manliligaw pinagsasabi mo d'yan?! 'Pag naniwala 'yan si daddy, tignan mo." Sabi ko.
"Totoo ba 'yon, Kiara? Sino 'yun, pakilala mo sa amin ng Daddy mo." Sabi naman ni mom.
BINABASA MO ANG
Key To His Heart ✔
Подростковая литератураYOUNG ADULT: Kiara longed for Jairus' attention since they were young. At a young age, she started to admire him until they grow up, her hopes are high that Jairus will finally notice her. But, Jairus is near yet so far, at gaya ng isang bituin ay t...