Chapter 13

173 38 9
                                    


Kiara.

"Kung wala lang talagang try-out ngayon, Kiara. Sasamahan talaga kita."

"Ako naman, ito 'yung unang attendance ko sa practice ng table tennis. Hindi ako pwedeng mawala dahil marami na rin akong atraso."

Napa-poker face naman ako at nag-cross arms. Kung kailan naman kailangan ko sila, doon pa sila hindi pupwede.

"Saka you can manage naman! Mag-taxi ka papunta sa mall tapos alam mo naman kung saan 'yung couture shop 'di ba? O kaya magpasundo ka kay Tito Arnold." Sabi pa ni Janessa.

Napangiwi naman ako. Ayaw na ayaw ni daddy na nagpapaistorbo tuwing working hours niya eh. At saka, cab? Ngi. Kakatakot. Baka mamaya holdaper pala or rapist ang driver ng masakyan ko.

Medyo kinilabutan ako sa naisip ko.

"Gusto mo, hatid kita sa mall pero hindi kita masasamahan sa loob—"

"Stephen! Start na daw sabi ni coach!" Narinig naming sigaw ni Dave, ang isa sa mga teammates ni Stephen na classmate din namin.

Napailing si Stephen. "Sayang. Mag-start na daw eh. Ihahatid muna sana kita. Pasensya na, Kiara." Paghinging dispensa niya.

"Okay lang, ano ka ba. Saka nakakahiya rin. Sige na, ako na lang mag-isa." Sabi ko.

"Sure?"

"Yes. Sige na, kita kits na lang ulit."

"Okay. Got to go! Keep safe!" Sabi ni Stephen at kumaway na sa'min paalis.

Kinurot ako sa tagiliran ni Janessa. "Ang taray. May keep safe pang nalalaman." Pang-aasar niya.

"Tse! Ayaw mo naman ako samahan eh." Pagmamaktol ko.

Pinandilatan niya ako ng mata. "Girl, I told you, may practice nga kami ngayon! Keri mo na 'yan, tanda tanda mo na eh. Sige na, babush!" Sabi niya at hindi man lang hinintay ang sagot ko. Umalis na siya.

Bagsak ang balikat na naglakad ako palabas ng school. So, mag-tataxi talaga ako? Baka mamaya hindi safe. Saka oo. Hindi ako sanay mag-commute.

Nabuhayan ako ng loob nang makita ko ang kotse ni Jairus na naka-park sa 'di-kalayuan. Ayos! Sa kanya na lang ako papahatid. Sana pumayag siya.

Kinatok ko ang bintana ng sasakyan. Ilang saglit pa ay binuksan na niya ang pinto ng kotse.

"Asan si Janessa?" Tanong agad niya.

"May practice daw sila ng table tennis. I don't know if what time sila matatapos." Sagot ko.

"So, ikaw lang pala ihahatid ko pauwi ngayon," Sabi niya. "Get in."

Sumakay na ako sa kotse at isinara iyon. "No. Actually hindi muna ako uuwi eh, may dadaanan pa kasi ako."

"Really? A date?" Nakangising tanong niya.

Napairap ako. "No. Dadaanan ko lang 'yung couturier na pinagpagawa ko ng gown ko. Favor sana, kung pwede ihatid mo ako sa mall?" Tanong ko.

Napasulyap muna siya sa wristwatch niya bago ako tiningnan. "Sure. Mamaya pa naman ang class ko."

I sighed and felt relieved. Safe ako at hindi mag-cocommute!

Nagsimula na siyang magmaneho at ilang saglit pa ay nasa tapat na kami ng mall. Nagtaka ako kung bakit nag-park pa siya eh magpapahatid lang naman ako.

Bumaba na ako ng kotse at laking taka ko nang bumaba rin siya. Pero hindi ko na pinansin iyon.

"Thanks." Sabi ko at tumalikod na.

Key To His Heart ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon