Kiara.
"Kiara, pasensya ka na kung sa'yo ko muna i-ta-take over 'yung trabaho ko ah. Huling lamay na kasi ng lolo ko." Hinging tawad ni Joyce sa akin, ang class president namin.
"Okay lang, Joyce. Hindi naman ako sobrang busy." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"O sige ha, ikaw na muna ang bahala dito. Ikaw lang kasi mapagkakatiwalaan ko sa mga ganito."
"Sure. Ingat ka, and condolence pala." Sabi ko.
Ngumiti lang siya nang malungkot at nagpaalam na sa'kin pati na sa teacher na ina-assist niya. Tumango na lang ako at lumabas na siya ng faculty room.
"Miss Ruiz, filing tayo ha. Do you know the proper filing of documents?" Tanong sa akin ni Mrs. Martinez.
"Yes Ma'am. Ako na po ang bahala."
"Okay. I'll just take my coffee break."
Nakangiting tumango lang ako. Naupo ako sa pwesto niya at saka simimulan ang ipinapagawa niya sa akin. Panaka-naka rin na kumakagat ako sa Ritter Sport na binigay ni Jairus nung nakaraang-nakaraang linggo.
Yeah, right. Umabot ng three weeks ang sampung pirasong Ritter Sport dahil tinitipid ko ito. Baka kasi hindi na 'ko makatanggap ng ganito galing sa kanya.
Palaisipan pa rin sa akin kung bakit niya 'ko binigyan ng ganoon. Sweet medicine daw. Oh, really? May milagro bang nangyari? Oo, binigyan niya 'ko n'un pero simula noon ay hindi na niya ulit ako pinapansin. Panay iwas pa. Minsan ang gulo talaga ng utak ni Jairus eh.
Sabi pa niya si Janessa daw ang nagpabigay talaga non. Uh. He think he fooled me sa part na 'yon. Sweet si Janessa sa'kin, pero hindi sa ganoong paraan. Kaya imposibleng siya ang nagpabigay noon.
Deny pa, Jairus.
And by the way, magaling na ang paa ko. Hindi ko man lang na-enjoy ang one week sembreak dahil puro kama lang ang kasama ko dahil sa bwisit na paa ko. At 'yun nga, hindi rin natuloy ang Laguna escapade dahil sa'kin.
Saya 'no?
Halos thirty minutes na 'kong busy sa ginagawa ko nang makita kong may nakasilip sa pinto ng faculty room. Si Janessa 'yon.
Iniwan ko saglit ang ginagawa ko para puntahan siya.
"Why?" Tanong ko agad sa kanya nang makalapit.
"Hindi ka pa uuwi?"
"Hindi pa. 'Di ba nga sa akin muna pinasa ni Joyce 'yung trabaho niya rito sa faculty?"
"Okay. Una na 'ko, masama daw pakiramdam ni mommy eh. Asikasuhin ko siya." Sabi niya.
"Sure. Ingat ka."
"Bye!"
Bumalik na ako sa ginagawa ko. Tinapos ko na rin kaagad 'yon para maaga-aga akong makauwi.
Siya namang balik ni Mrs. Martinez. Saktong patapos na ako sa ginagawa ko.
"Ma'am, this will be finished in five minutes." Sabi ko sa kanya.
"Good. Take your time."
Ilang saglit pa ay natapos ko na ang ginagawa ko. Isinalansan ko na ulit ang mga dokumento sa filing cabinet.
"May ipapagawa pa po ba kayo, Ma'am?" Tanong ko habang inaayos ang gamit ko.
"Wala na, Miss Ruiz. You may go home. Thank you."
"Thanks din po. Bye, Ma'am." Sabi ko at binitbit na ang Jessica Simpson satchel bag ko.
Iyon lang at nilisan ko na ang faculty room. Naglalakad ako sa hallway nang harangan nila Mika and friends ang daraanan ko.
BINABASA MO ANG
Key To His Heart ✔
Ficção AdolescenteYOUNG ADULT: Kiara longed for Jairus' attention since they were young. At a young age, she started to admire him until they grow up, her hopes are high that Jairus will finally notice her. But, Jairus is near yet so far, at gaya ng isang bituin ay t...