Kiara.
"Ano sa tingin mo, Kiara?"
Nanatili akong nakapangalumbaba at nakatingin sa kawalan. Kanina pa maraming sinasabi sa'kin si Stephen pero lumulusot lang 'yon sa tenga ko tapos lalabas din sa kabilang tenga ko.
In short, wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Kung ano man 'yon, whatever.
"Janessa, pakibatukan nga muna 'to si Kiara."
"Hey! Are you with us?!" Sabi ni Janessa sa'kin matapos niya 'kong batukan.
"Ini-english mo pa 'ko." Sabi ko.
"Eh kasi naman, kanina pa nagsasalita si Stephen tapos wala ka namang kibo d'yan."
"Nakikinig naman ako."
"O sige nga, ano 'yong sinasabi ni Stephen?"
Napalingon ako kay Stephen. "Ano nga ulit 'yun?"
Hindi na lang nagsalita ang dalawa at parehas ko silang tiningnan. Parehas silang naka-poker face.
Wala ako sa sarili kasi nag-iisip ako kung ano pwedeng gawin para...
Natigil ako sa pag-iisip nang tila may boses ni Janessa na nagsusumigaw sa utak ko.
'Kung kailan naman kasi may nililigawan na 'yung tao, doon ka pa magpapapansin!'
Ipinilig ko ang ulo ko. Pa-epal eh.
Mygawd. Ang bata ko pa para ma-stress dahil sa tambak na projects na binibigay sa'min ng mga teachers namin, dahil sa pageant, at dahil sa naguguluhan din ako kung iiwas na ba talaga ako kay Jairus o makikipaglapit pa lalo..
"Uwi na nga tayo. Bukas na lang tayo mag-usap usap tutal wala namang pasok bukas. Baka matino na 'ko bukas." Sabi ko sa kanila.
"Mabuti pa nga." Pagsang-ayon ni Janessa.
Nasa student lounge kasi kami at nagpapalipas ng oras. Maaga kaming dinismiss dahil nagkaroon ng urgent meeting ang faculty.
"Paano'ng ganap bukas?" Tanong ni Stephen. Isinukbit na niya ang backpack sa likod niya.
"Doon na lang tayo sa'min. Punta ka na lang after lunch." Sabi ni Janessa.
"Sige. Una na 'ko, may try-out pa kami. Bye!" Paalam ni Stephen.
"Bye," Magkapanabay na sagot namin ni Janessa.
Naglakad na kami ni Janessa palabas ng school.
"Gamay n'yo na pala ni Stephen ang rampa n'yo, talent na lang ang problema n'yo. Ano bang gusto mo?" Tanong sa akin ni Janessa.
Yep, talent portion na lang ang problema namin ni Stephen. Two weeks nalang kasi at pageant na, so naghahanda na talaga kami.
"Hindi ko alam, bahala na." Sagot ko.
"Duh! Pwede ba 'yon?! Hindi mo alam?!"
"Basta! 'Wag kang magulo may iniisip ako."
"Okay, since wala namang pasok bukas.. Doon ka magsleep-over sa bahay. Chika mo 'yan lahat."
"G."
***
Napasimangot ako nang clinick ni Janessa ang play button. Napagdesisyunan kasi namin mag movie marathon sa laptop niya. Pinili niya ang Berkshire County, na halatang patayan ang nilalaman.
"Ayoko niyan!" Reklamo ko.
"Maganda 'yan! Promise."
"Eh puro patayan 'yan eh!"
BINABASA MO ANG
Key To His Heart ✔
Fiksi RemajaYOUNG ADULT: Kiara longed for Jairus' attention since they were young. At a young age, she started to admire him until they grow up, her hopes are high that Jairus will finally notice her. But, Jairus is near yet so far, at gaya ng isang bituin ay t...