Kiara.
"Kiara! Nandito si Jairus sa baba, hinihintay ka!"
Napakunot-noo ako sa sinabi ni mommy mula sa labas ng kwarto ko. Kasalakuyan akong gumagayak dahil may pasok na ulit sa school.
"Huh? Sige po! Pababa na ako." Sagot ko.
Bakit nandito si Jairus, ang aga-aga. Wala ba siyang pasok?
Napatampal ako sa noo ko nang maalalang nag-resign na nga pala siya sa trabaho niya.
Binitbit ko na ang bag ko at saka nagsuot ng sapatos. Mabilis akong bumaba ng hagdanan, at nakita ko kaagad si Jairus na prenteng nakaupo sa sofa.
"Ang aga natin ah." Biro ko.
"Syempre. Kailangan maaga ang service mo." Nakangiting sabi niya.
"Service?" Takang tanong ko.
"Yeah. From now on, service mo na ulit ako. Kaya nga ako nag-resign sa work ko para araw-araw kitang matutukan." Sabi niya at tumayo na.
Natigilan ako sa sinabi niya. "Seryoso?"
"Kailan ba kita niloko?"
Umiwas ako ng tingin at napakagat-labi. So, ako ang dahilan ng resignation niya? Para araw-araw niya akong makasama?
Ano ba, Jairus! Ang aga-aga pinapakilig mo ako.
"Let's go?" Paanyaya niya.
Nakangiting tumango ako at saka sumunod sa kanya palabas ng bahay.
"Sigurado ka ba sa ganito?" Tanong ko sa kanya nang makasakay na kami ng kotse.
Tinahak na namin ang daan papuntang La Sapienza University.
"Sigurado saan?"
"Sa ganitong set-up. Na nag-resign ka sa trabaho para mahatid-sundo ako. 'Di mo na kailangan mag-alala sa'kin, kaya ko naman na mag-commute mag-isa. Isa pa, baka nakakaabala ako." Mahabang paliwanag ko.
"Kaya nga ako nag-resign para hindi mo maisip na nakakaabala ka sa'kin," Sabi niya at saglit na sumulyap sa akin. "Isa pa, masaya ako sa ginagawa ko. Don't take my happiness away from me."
Itinaas ko pa ang kamay ko na para bang sumu-surrender. "Okay, fine."
"Don't skip meals. Kumain ka kapag nagugutom ka. Mas makakapag-isip ng maayos kapag may laman ang sikmura." Bilin niya.
Lihim naman akong napangiti sa mga sinabi niya. He really cares for me. Natutuwa ako sa napakalaking improvement ng pakikitungo sa akin ni Jairus.
Hindi ko kasi akalain na darating kami sa ganitong pagkakataon. Ni sa panaginip ay hindi ko ini-expect na magiging sweet siya sa akin. Sa sobrang aloof ba naman niya sa akin dati, sinong mag-aakala na itatrato niya ako ngayon na parang sobrang mahalaga ako?
Pero may parte pa rin sa puso ko na natatakot ako. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari, alam ko marami pang mangyayari bukod dito. Nasasaktan din ako kapag naiisip ko na kung paano kung ginagawa lang akong rebound ni Jairus?
Masakit, syempre. Masakit isipin na baka kaya niya lang ginagawa ito ay para makalimutan niya si Lauren. Paano kapag bumalik ang babaeng minahal niya? Maaari rin na bumalik ang dating sila, at kapag nangyari 'yon ay asahan ko nang masasaktan ako.
BINABASA MO ANG
Key To His Heart ✔
Teen FictionYOUNG ADULT: Kiara longed for Jairus' attention since they were young. At a young age, she started to admire him until they grow up, her hopes are high that Jairus will finally notice her. But, Jairus is near yet so far, at gaya ng isang bituin ay t...