Kiara.
"Bes, natatae ako."
Napasimangot ako sa sinabi ni Janessa at nahinto sa pagbabasa ng magazine. Kumakain pa man din ako ng brownies tapos bigla niyang sinabi 'yon!
"Pinagsasasabi mo? Ayan lang 'yung banyo ko." Nakairap ako.
"Natatae ako sa kaba saka sa excitement! Makakakita na ako ng pader na naka-evening gown mamaya."
Binato ko sa kanya ang hawak kong unan. "Siraulo ka. Matae ka sana talaga sa salawal mo."
Ano ba 'tong pinag-uusapan namin?
"Ang tagal naman. Ano oras ba darating hairstylist mo at saka 'yung make-up artist?" Tanong niya.
"They'll be here in fifteen minutes." Tugon ko.
Nilibang muna namin ang mga sarili namin habang kumakain ng brownies, na syempre siya ang may gawa. It's 5 pm, at nasa bahay pa 'ko para mag-prepare. 8 pm kasi ang start ng pageant.
Sila mommy ay naliligo pa, magpapaganda rin daw siya. Lol. Si daddy naman ay susunod na lang daw sa school, since nasa work pa naman siya.
Natigil kami sa pag-uusap ni Janessa nang may kumatok sa kwarto ko.
"Ma'am, may mga bakla po sa labas hinahanap kayo. Papasukin ko po ba?" Tanong ni Porning nang pagbuksan siya ni Janessa.
"Ahh, yes po. Let them in. They are my visitors." Sabi ko.
"Hane? Yes lang po ang naintindihan ko, Ma'am." Naguguluhang tanong niya at napakamot pa sa ulo.
Gusto ko sana matawa pero pinigilan ko. Hindi magandang pagtawanan ang mga ganoong klaseng tao.
"Papasukin mo na, bisita namin sila." Nakangiting utos ni Janessa.
"Sige po." Tumalima naman si Porning.
"Nand'yan na pala ang mga juding. Umayos ka na!" Sabi ni Janessa sa'kin.
Bumangon na ako sa higaan at sinalubong ang mga baklang amiga ni mommy. Suki kasi nila si mommy sa parlor nila kaya sila din ang kinuha ni mommy para mag-ayos sa'kin ngayon.
"Napakagandang bata, ang sarap ayusan nito!" Sabi ni Ronna, na ang tunay na pangalan ay Ronaldo. Bumeso siya sa akin.
Alam ko 'yan. Hmm.
"Dalawa ba kayong aayusan?" Tanong naman ni Francia, na dating Francisco. Nakatingin siya kay Janessa.
Alam ko din 'yan.
"Ay, hindi po. Si Kiara lang." Sagot naman ni Janessa.
"Oh, sorry. Mukha rin kasing pang-beauty queen ang feslak mo." Sabi ni Francia.
"I know. But it's not my thing." Napahagikgik si Janessa.
"Let's start na. Saan si mother earth?" Tanong ni Ronna.
"Naliligo pa po. Ayusan n'yo rin daw siya mamaya." Sabi ko.
"Pati ako. Pero super light lang." Sabi naman ni Janessa.
"Sure!"
Kinuha ni Janessa ang isang stool sa sulok at iniabot 'yon sa'kin. Naupo naman na 'ko at saka sinimulan na ng mga bakla ang trabaho nila.
Si Rona ang nag-asikaso sa buhok ko, at si Francia naman sa mukha ko. Pinaubaya ko na sa kanila ang lahat, tutal mapagkakatiwalaan naman sila sa ganitong bagay.
Matapos ang isang oras ay natapos sila pagbutinting sa mukha ko at buhok ko.
Tumingin ako sa salamin at natuwa ako sa resulta. Magagaling ang mga baklang 'to. Ang nilagay nilang make-up ay tamang-tama para mamaya. Hindi madaling huhulas iyon. Sa buhok ko naman, big curls ang ginawa since mahaba ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Key To His Heart ✔
Teen FictionYOUNG ADULT: Kiara longed for Jairus' attention since they were young. At a young age, she started to admire him until they grow up, her hopes are high that Jairus will finally notice her. But, Jairus is near yet so far, at gaya ng isang bituin ay t...