Chapter 50

181 21 24
                                    


(A/N: This will be the last chapter of Key To His Heart. Thank you so much for the overwhelming support for this story. Much appreciated.)

Jairus.

Pinaikot-ikot ko sa kamay ko ang phone ko habang hinihintay ang reply ni Kiara.

Napangiti ako nang maalala na naman siya. Okay na kami, ayos na rin ang issue sa amin nila Lauren at Damoz. Masaya ako para sa kanila, at masaya rin naman ako para sa sarili ko.

Higit sa lahat, masayang-masaya ako para sa kung anong meron sa amin ni Kiara ngayon.

Pero hindi ko maiwasang kabahan ngayon. Hinihintay ko rito sa sala ang dalawang bossing para kausapin ako.

Siguro naman hindi ko pa katapusan 'no?

Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa pagharap ko kay Tito Arnold. Hindi ko rin naman ito naranasan noon kay Lauren dahil wala naman ang parents niya rito sa Pilipinas noong niligawan ko siya.

Ngayon lang talaga. Pero para kay Kiara, tatanggapin ko ang hamon.

Naisipan kong tawagan muna si Kiara habang naghihintay.

"Hello, baby." Sabi ko nang sagutin niya ang tawag.

[Hi.]

Napangiti ako bigla. Ang cute cute talaga. Boses pa lang nakaka-inlove na. Ang sarap pakasalan, eh.

"Kumusta ang baby ko?" Malambing na tanong ko.

[Okay lang ako. Kinakabahan ako, Jairus. Paalis na rito si daddy pupunta na ata d'yan. Gusto kong sumama, baka bigla ka niya ulit sapakin eh.]

Natawa ako. Mukhang mas kabado pa ata siya sa akin.

"No, 'wag ka nang sumama. Boys' talk ito. Just sit back and relax, pagtapos ng magiging pag-uusap namin I assure you na maayos na ang lahat. Okay?" Malambing na sabi ko sa kanya.

[Okay..]

"'Wag ka nang mag-worry sa akin. Isipin mo na lang kung paano ihahanda ang sarili mo dahil papaliguan na naman kita ng kiss mamaya." Natatawang sabi ko.

Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong namumula na naman siya ngayon. Ganyan naman siya sa tuwing binabanggit ko ang tungkol sa halik.

['Wag mo akong asarin.]

"Hindi na po." Sabi ko at natawa ulit.

Nahinto ako sa pagtawa nang marinig ang pagbukas ng gate namin. Bigla akong kinabahan. Nandito na ata ang future father-in-law ko.

"Baby, I'll hang up. Nandito na ata si Tito Arnold. I'll talk to you later." Pagpapaalam ko.

[Okay. Balitaan mo kaagad ako. I love you, Jairus.]

Parang nawala bigla ang kaba ko nang marinig iyon.

"I love you more, baby."

Iyon lang at namatay na ang tawag. Inayos at hinanda ako na ang sarili ko para sa pagpasok ni bossing number one.

Alam kong siya iyon kahit hindi ko pa siya nakikita dahil narinig ko ang pagtikhim niya.

"Nasaan si Allen?" Pormal na tanong ni Tito Arnold nang makapasok sa loob ng bahay.

Kinabahan ako lalo. Seryosong-seryoso talaga siya, hindi siya ganito sa akin noon. Sa katunayan, malapit sa akin si Tito Arnold dahil nga itinuring na rin niya akong parang anak niya dahil wala siyang anak na lalaki.

Key To His Heart ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon