Kiara.
"Mommy, you need help?" Tanong ko kay mommy na kasalukuyang nagti-trim ng mga damo doon sa garden namin.
"Hindi na, anak."
"Eh mommy, may hardinero naman tayo ah."
"Hayaan mo na, ngayon lang naman. Wala kasi akong magawa eh." Nakangiting sabi ni mommy.
Napangiti ako. "Are you sure? Sige, mom. Punta na po ako sa kwarto ko at gagawa lang po ako ng homeworks ko."
"Okay. Tawagin nalang kita kapag kakain na ng dinner."
"Yes, mom."
Iniwan ko na si mommy doon sa garden at nagpunta na sa kwarto ko.
Sumampa na ako sa kama at ini-on ang laptop ko. Gumawa na ako ng assignment and then in-email ko sa teacher ko 'yung gawa ko. Ganoon kasi ang sistema sa school na pinapasukan ko.
By the way, fourth year highschool na ako ngayon. Kasalukuyan akong nag-aaral sa Dawson Academy, 'yung school na kung saan ako nag-preparatory, elementary, at eto nga, highschool. Ewan ko lang kung doon rin ako magka-college.
Si mommy ay housewife, ayaw kasi siyang pagtrabahuhin ni dad, gustuhin man niya. Kaya ayan, laging na-bo-bored. Si daddy naman ay namamahala sa kanyang business. Pero kahit ganoon man, hindi naman mawawala ang napakaganda nilang social life. They always hang out on a date, nakikisalamuha pa rin sa mga highschool and college friends nila way back years ago. Just like typical teenager couples.
I'm an only child. Hindi ko alam kung bakit hindi na ako nasundan pa. Minsan nga naiisip ko, ano kayang pakiramdam ng magkaroon ka ng kapatid?
In-open ko ang Facebook account ko. Tiningnan ko kung sino 'yung mga online, and...
Napangiti ako nang makita ko ang pangalan niya sa list ng mga online friends ko.
Agad kong kinlick ang pangalan niya dahilan para lumitaw ang chatbox namin.
Tumipa ako sa keyboard ng sasabihin ko sa kanya.
Kiara Ruiz: Hi, Jairus :)
Yes. Si Jairus Santiago nga. Hindi ko masasabing childhood friend ko siya, kahit na simula bata palang kami e kilala ko na siya. Hindi ko siya naging kaibigan. Ayaw niya kasi akong kalaro noon, kahit ako na ang nag-a-approach sa kanya. Ewan ko ba d'un, wala akong maisip na dahilan kung bakit ayaw niya sa akin. Mabait naman ako nung bata ako, ah?
Hmm.. medyo maarte rin pala tapos spoiled brat.
Pero nagbago na 'ko ngayon. Matanda na kasi ako syempre. Hindi na ako ganoon kaarte at ka-spoiled katulad nung bata pa ako. Kaya ang naging kalaro ko noon ay ang kapatid niya, si Janessa. Siya ang ka-edad ko.
N'ung grade one ako at grade three siya, laging kami ang magkasama dahil lagi kong kasama ang kapatid niya, pero hindi kami naging close. Suplado siya, pero sa akin lang. Malambing nga siya sa parents niya eh, tapos magiliw naman siyang nakikipaglaro sa mga kalaro namin. Sa akin lang talaga siya mailap.
Natuwa ako nang mag-reply siya. Laging bago sa akin kapag nagrereply siya. Kasi naman, seenzoned ako palagi sa mokong na 'yun.
Jairus Santiago: Hi.
Sus. Napakatipid ng reply. Ano pa bang bago sa isang Jairus Santiago pagdating sa pang-iisnob sa'kin? Wala naman.
Pero nagreply pa rin ako. Gusto ko talagang nakakausap siya.
BINABASA MO ANG
Key To His Heart ✔
Teen FictionYOUNG ADULT: Kiara longed for Jairus' attention since they were young. At a young age, she started to admire him until they grow up, her hopes are high that Jairus will finally notice her. But, Jairus is near yet so far, at gaya ng isang bituin ay t...