Kiara.
"Shut up, Lauren." Mariin na sabi ni Jairus na hindi pa rin bumibitaw sa kamay ko.
"And now you're calling me Lauren. You used to call me 'love' before. 'Di ba, LOVE? What happened?"
Sinadya pa niyang diinan ang endearment nila na 'love' habang nakatingin sa akin. Anong gusto niyang palabasin?
"Just shut up. Talagang dito ka pa sa pamamahay ko gumagawa ng eksena?" Malalim ang tinig na sabi ni Jairus.
Sinamaan ni Lauren ng tingin si Jairus. "At anong gusto mong palabasin, Jairus? Na wala akong karapatang magalit? At ito? Anong kalandian ito?" Galit na sabi niya at saka kami nilapitan.
Akmang hahawakan niya ako para magbitiw kami ni Jairus pero agad siyang sinalag nito. Mabilis din akong iniwas ni Jairus at inilagay sa likod niya.
"Lauren, I'm warning you! Don't you ever lay your finger on her! Ako na lang ang saktan mo." Malakas na sabi ni Jairus.
Hindi na napigilan ni Lauren ang sarili at sinampal si Jairus. Agad ko siyang dinaluhan.
"No, Kiara. I deserve this. Dahil minahal kita habang wala pa kaming pormal na pagtatapos." Sabi sa akin ni Jairus at humarap kay Lauren. "Pero tandaan mo rin, Lauren. You also deserve to be left hanged just like what you did to me."
She was dumbfounded. I can see the guilt in her eyes, she can't hide it.
"Don't put the blame on Kiara, even on me. Bakit nangyayari 'to? Ask yourself first, blame yourself. Kiara did nothing so please, 'wag mo siyang isali rito." Maawtoridad na sabi ni Jairus.
Natawa ng mapakla si Lauren. "Walang ginawa? Really? Kunwaring nag-cocomfort noong mga panahong wala ako pero paraan 'yon para lumandi. Iyon ba ang walang ginawa?" Nakangising sabi niya habang nakatingin sa'kin.
"Lumandi? At talagang itinulad mo pa siya sa'yo? Nagkaroon ka ng relasyon sa hayop mong best friend na lalaki habang tayo pa. Akala mo wala akong alam?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Jairus. Hindi lang pala basta malapit sa isa't-isa si Lauren at Damoz. May relasyon pala sila habang sila pa ni Jairus..
Hindi nakapagsalita si Lauren. Namumula ang mukha nito.
"For God's sake, Lauren. Inintindi ko ang coldness mo sa loob ng mahabang panahon. Inisip ko na baka may magandang dahilan kaya ka gan'on. Pero tangina, iyon ang dahilan mo? May lalaki ka? " Hindi na napigilan ni Jairus ang galit.
Ramdam ko iyon dahil sa bawat bitaw niya ng salita ay madiin.
"P-Pero nandito na 'ko. I just broke up with him a-already. Alam ko sa sarili ko na sa'yo at sa'yo pa rin ako babalik sa huli." Nauutal na sabi ni Lauren.
"At nang mapalapit sa akin si Kiara, pinilit kong pigilan na lumalim 'yung nararamdaman ko dahil ikaw at ikaw pa rin ang iniisip ko. Nirerespeto kita. Pero matagal mo na pala akong niloloko." Sabi ni Jairus na hindi pinansin ang sinabi ni Lauren.
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Hindi makasagot si Lauren kaya nakikinita kong totoo lahat ng mga ipinaratang ni Jairus sa kanya.
"B-But you also cheated! You're dating her habang tayo pa!" Pagtatanggol ni Lauren sa sarili niya.
"I don't see it as a bad thing. Besides, I have reasons. And correction, wala nang tayo ng mga panahon na 'yon. There's nothing between us anymore since you left me." Mariin na sabi ni Jairus.
"Anong nangyayari dito?"
Sabay-sabay kaming tatlo na napalingon sa nagsalita. Si Tita Jenelle.
"Ikaw pala 'yan, Lauren! Kailan ka pa bumalik, iha?" Tanong ni Tita Jenelle at saka nakipag-beso kay Lauren.
BINABASA MO ANG
Key To His Heart ✔
Teen FictionYOUNG ADULT: Kiara longed for Jairus' attention since they were young. At a young age, she started to admire him until they grow up, her hopes are high that Jairus will finally notice her. But, Jairus is near yet so far, at gaya ng isang bituin ay t...