Kiara.
Janessa and I decided to watch a movie, since nandito naman na kami sa mall. It's kind of besties date. Minsan lang kami mag-hang out kasi school-bahay lang ang routine namin, so we grabbed the chance we had. Kagagaling lang kasi namin sa couturier na pinagpapagawaan ko ng gown na gagamitin ko para sa pageant.
After an hour of watching, nag-snack muna kami sa pizza parlor and we went home. Hindi namin kailangan lumagpas sa oras na binigay sa'min ng parents namin.
Pero hindi muna ako umuwi sa bahay namin, kila Janessa muna ako dumiretso. Nadatnan namin sa sala si Tita Jenelle na nagbabasa ng magazine.
"Hi, Tita Jen!" Bati ko kay Tita Jenelle nang makapasok kami sa loob ng bahay nila.
"Hi, mommy." Janessa gave Tita Jenelle a kiss on cheek.
"Hi, girls. Kumusta ang lakad n'yo?" She smiled at us and took her sip in her orange juice.
"By three days, pwede na daw makuha ang gown niya." Janessa answered for me.
"That's good to know. We're all excited. Manonood kami, you have our family's support." Sabi sa akin ni Tita Jenelle.
Napangiti ako. "Thanks, Tita."
"You should break a leg and bring home the bacon. I'm sure Kristina and Arnold will be very proud of you." Dagdag pa niya.
"Me also," Sabi naman ni Janessa. She even winked at me.
"Thank you. I'm so lucky that I have you and your support, bessy, tita." I smiled.
"Where's dad?" Tanong ni Janessa.
Si tita lang kasi mag-isa dito sa sala bago kami dumating.
"Sa kwarto, natutulog. He had a hard time with his paperworks last night. Inabot siya ng three in the morning."
Tumango-tango kami ni Janessa.
"And oh, thanks for reminding me about your dad, baby. Naalala kong pagtapos ko dito sa merienda ko ay hihilutin ko pala ulit siya." Napatayo si Tita Jenelle. "I'll leave you alone, girls. My hun needs me."
"Okay," Magkapanabay na sagot namin ni Janessa.
"Ang sweet naman ni tita kay Tito Allen," Komento ko.
"Yeah, kaya nga kami nabuo ni Kuya Jai, eh."
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Bibig mo!"
"Anyways, maiba tayo. Less than two weeks na lang ang pageant. Nakapag-prepare ka na ba? Kayo ni Stephen?" Tanong sa'kin ni Janessa.
"No, walang kami ni Stephen." Pagbibiro ko, I even made a face.
"Sira."
Natawa ako. "Kidding aside. Oo naman prepared na. Konti na lang naman ang bubuuin 'diba?"
"No, I mean, na-prepare mo na ba sarili mo. Rarampa ka ba with full confidence?"
I nodded. "Yes, of course. Kukunin ko muna ang kakapalan ng mukha mo just for one night." Humagikgik ako.
"True. Ipapahiram ko muna sa'yo ang kakapalan ng mukha ko. Ibalik mo na lang right after the pageant, okay?"
Natawa naman kami parehas.
"Na-text mo na ba si Stephen?" Tanong ko.
"Bakit ako? Ikaw dapat 'di ba dahil ikaw ang partner niya sa pageant. Saka I don't have his phone number."
Napairap ako. "Fine."
Kinuha ko ang phone ko sa sling bag na dala ko at agad na d-in-ial ang number ni Stephen. Sinagot naman niya kaagad.
BINABASA MO ANG
Key To His Heart ✔
Teen FictionYOUNG ADULT: Kiara longed for Jairus' attention since they were young. At a young age, she started to admire him until they grow up, her hopes are high that Jairus will finally notice her. But, Jairus is near yet so far, at gaya ng isang bituin ay t...