Kiara.
"I'm sorry, Kiara."
Napaangat ang tingin ko kay Jairus. "You feel sorry you kissed me?" Mahinang tanong ko.
We just kissed. We just held hands. I felt his warmth. And here we are, feeling sorry for what happened. We both know this is wrong, because of Lauren.
But why do I have this feeling na walang masama sa halik niya sa akin at paghawak ko sa kamay niya? It really felt so good.
He shooked his head. "No. I'm not. It's just that.. I'm sorry because I took advantage."
I let out a heavy sigh.
"What was that for?" Tanong niya.
"Wala. Sorry kung hindi kita pinigilan. Mali 'yon."
"Kiara.."
"Yeah?"
"Why do I have this feeling that there's nothing wrong about it?"
Natigilan ako. I feel the same way too.
"Mali, Jairus. May Lauren ka." Sabi ko at yumuko.
Ayokong isipin niya na gustong-gusto ko ang nangyari. Oo, gusto ko dahil siya ang unang halik ko. Pero na-guguilty rin ako. Alam ko namang hindi ipapaalam ni Jairus ito kay Lauren at hindi niya ipapahamak ang sarili namin, pero maisip ko pa lang na malaman ni Lauren na nangyari 'to, alam ko masasaktan siya. Ayokong manakit ng kapwa ko babae, lalo pa't kung lalaki ang dahilan.
"I don't have her anymore. I.." Natigilan siya saglit. "I-I have you now, Kiara."
I gave him a soft gaze. What does he mean?
"I honestly have no clue what's gonna happen next or how things are going to turn out.. All I know for sure is that you make me happy and that's all I need."
That froze me. I can't believe he's saying these things to me right now.
Tipid akong ngumiti at saka kinuha ang kamay niya. Hinawakan ko ito ng mahigpit.
"Baka naguguluhan ka lang, Jairus. Sa mga panahong kailangan mo si Lauren at wala siya, ako ang nandito. Pinaramdam ko na hindi ka nag-iisa, kaya naging magkalapit tayo.. Wala pa kayong final decision ni Lauren tungkol sa relasyon n'yo, kaya pag-isipan mo ng mabuti. Walang kasiguraduhan kung kailan siya babalik. Anytime, pwede siyang bumalik. Ayokong maguluhan ka ulit kapag dumating 'yung araw na nandito na ulit siya." Mahabang sabi ko.
Napayuko siya at mariin na ipinikit ang mga mata.
"Jairus, sigurado ako sa nararamdaman ko para sa'yo. Matagal na. Matagal na kitang mahal. Pero mag-isip kang mabuti, ayokong masaktan si Lauren. 'Wag kang mag-alala, hindi ko naman hinihiling na mahalin mo rin ako. Gusto ko lang malaman mo na kahit anong mangyari—"
"Na kahit anong mangyari, hindi ka aalis. 'Wag kang lalayo sa'kin, Kiara. Hindi kita paglalaruan. Hindi ko sasamantalahin ang pagkakataon na may gusto ko sa'kin at gamitin ka para makalimutan siya." Putol niya sa sinasabi ko.
"'Wag mong pilitin ang sarili mo na kalimutan siya. Hayaan mong kusa na lang na mangyari, kung 'yon talaga ang nakatakdang mangyari. Hindi pa kayo tapos, Jairus. You were just hanged. Hayaan mo munang mabigyan ng kasagutan ang lahat, bago ka mag-settle sa panibago." Paliwanag ko.
"Will you wait for me?" Malungkot na tanong niya.
Napayuko ako. "Palagi naman akong naghihintay.."
"'Wag mong iisipin na reserba kita. Susundin ko ang sinabi mo na pag-isipan ang lahat. But I hope na habang nasa process ako, hindi mo 'ko iiwan. Parang may mawawala ulit sa pagkatao ko kapag umalis ka." Mahabang sabi niya.
BINABASA MO ANG
Key To His Heart ✔
Fiksi RemajaYOUNG ADULT: Kiara longed for Jairus' attention since they were young. At a young age, she started to admire him until they grow up, her hopes are high that Jairus will finally notice her. But, Jairus is near yet so far, at gaya ng isang bituin ay t...