Kiara.
"What brings you here?"
Napasimangot ako sa tanong niya. Siya pa talaga may ganang gumanyan eh siya nga itong may atraso sa akin.
"Bakit hindi mo ako sinipot kagabi sa clubhouse?" Nagtatampong sabi ko.
Naupo ako sa couch. Sa couch din siya nakaupo at medyo magkalapit lang kami.
"It's because I don't want to." Sabi niya na hindi lumilingon sa akin. Nakatutok pa rin ang mga mata niya sa TV at panaka-nakang tumitingin sa cellphone niya.
Damuhong 'to! Kapag siya nagpapapunta sa'kin sa kung saan para kitain siya, isang text niya lang pumupunta kaagad ako. Ako tinadtad ko na siya kagabi ng text hindi man lang ako sinipot.
"Wala ako sa mood kaya hindi ako pumunta." Sagot niya na tila nabasa niya ang isip ko.
"Lagi ka namang wala sa mood." Pabulong na sabi ko.
"Ano?" Sabi niya at nilingon ako.
"Wala."
Katahimikan. Mga sampung minuto nang namamayani ang katahimikan nang maisipan kong basagin ito.
"I'm sorry."
"For what?" Tanong niya.
"Sa mga nasabi ko sa'yo sa restaurant n'ung isang araw. Sorry kung padalos-dalos ako magsalita nang hindi man lang kino-consider ang feelings mo."
Isinandal niya ang ulo niya sa couch at saka bumuntong-hininga.
"Forgiven."
"Uhm, naalala mo ba 'yung sinabi mo nung nakaraan sa'kin?"
"What is it?"
"Na friend mo ako."
"So.."
"Alam ko may bumabagabag sa'yo. Would you mind telling me what it is? Friend mo ako, right?" Tanong ko sa kanya.
"Ye, I would mind."
Sumimangot ako bigla. Narinig ko na naman ang pagbuntong-hininga niya.
"Fine. Pero pwede 'wag mo akong sesermunan?"
"Ohh. Okay!" Masayang sabi ko.
"Hi, guys!"
Parehas kaming napalingon sa pinto nang marinig ang boses ni Janessa. Kasunod niya si Dave na nasa likuran niya.
Uh-oh..
"Hi, Kiara. Good afternoon, Kuya Jairus." Bati naman ni Dave na parang iniinis si Jairus.
Sa tingin ko naman ay nagtagumpay siya dahil biglang nagsalubong ang mga kilay ni Jairus nang makita si Dave.
"Anong good sa afternoon kung nandito ka?" Pasaring ni Jairus kay Dave. Nilingon naman niya si Janessa. "At ikaw, bakit mo dinadala 'yan dito ng walang pahintulot ko?"
"I have mom and dad's permission." Nakalabing sabi ni Janessa.
"Ewan ko sa inyo. Ikaw lalaki, umayos ka ah." Sabi ni Jairus at nilingon naman ako. "'Wag tayo dito mag-usap." Sabi niya at umalis na.
Wala naman akong magawa kundi sumunod sa kanya. Nagpaalam muna ako kila Janessa at Dave tapos ay sumunod na ako kay Jairus sa paglalakad.
Nakarating kami sa garden nila. Akala mo talaga ang layo ng pinuntahan eh, 'no.
BINABASA MO ANG
Key To His Heart ✔
Roman pour AdolescentsYOUNG ADULT: Kiara longed for Jairus' attention since they were young. At a young age, she started to admire him until they grow up, her hopes are high that Jairus will finally notice her. But, Jairus is near yet so far, at gaya ng isang bituin ay t...