Chapter 42

163 27 19
                                    

Kiara.

Nandito ako ngayon sa bahay ng mga Santiago, hindi para kay Jairus kundi para kay Janessa. Balak ko kasi na sa kanya muna sabihin lahat ng napag-usapan namin ni Stephen noong nakaraang araw.

Wala akong pasok ngayon, siguro si Janessa meron. Kaya napagpasyahan kong hintayin na lang siya munadito tutal wala naman akong ginagawa.

Saka ko na i-oopen kay Jairus lahat kapag nagkaharap-harap na kaming tatlo nila Lauren. Niyayaya nga akong lumabas ni Jairus, but I refused. Hindi naman sa ayaw ko, pero hindi pa kasi ito ang tamang oras at panahon para magsaya.

Kailangan ko munang ayusin ang mga problema. Para maluwag na sa kalooban ko lahat ng mga gagawin ko kasama si Jairus.

Si Stephen naman, sinusubukan kong tawagan pero unattended ang number niya. Talagang umiiwas siya sa akin. Pero hindi ako tumitingin sa bad side, iniisip ko na lang na siguro nga ay bigyan ko siya ng panahon para mapag-isa. Hindi rin naman kasi biro ang sakit na natanggap niya mula sa'kin.

Napabuntong-hininga ako nang maisip iyon. Kung pwede lang na ilipat ko ang pagmamahal ko kay Stephen, ginawa ko na. Kaso hindi pwede.

Hindi matuturuan ang puso na magmahal.

"Oh! Nandito ka pala."

Napalingon ako sa dumating, si Janessa. Agad siyang lumapit sa akin at tumabi sa upuan.

"Yeah. Hinihintay talaga kita." Sabi ko at umayos ng upo.

"Wait, wala ka bang pasok?" Sabi niya habang nagtatanggal ng sapatos.

"Wala. Kaya nga dito ako tumambay para hintayin ka."

"Nagkita na ba kayo ni kuya?"

Umiling ako. "Hindi pa. Nagyayaya siyang lumabas pero tinanggihan ko muna."

"Bakit naman?" Takang tanong niya.

"Kailangan ko munang ayusin ang mga bagay-bagay." Sagot ko.

"Oo nga pala. May bago na bang chika?"

"Meron. Nakausap ko na si Stephen n'ong linggo." Sabi ko.

Bigla siyang umayos ng upo at hinarap ako nang marinig iyon. "So kamusta? Nagalit ba siya? Anong sinabi niya?"

Kinwento ko sa kanya lahat, simula umpisa hanggang dulo. Wala akong nilihim. Habang nagkukwento ako ay nakikita ko ang lungkot sa mukha ni Janessa.

Syempre, hindi rin naman niya maiiwasan na masaktan para kay Stephen dahil kaibigan niya rin ito.

"Napakabait talaga ni Stephen, hindi niya magawang magalit kahit sobrang nasaktan siya." Naiiling na sabi ni Janessa.

"Oo. Kaya nga lalo akong nagu-guilty."

"'Di mo dapat maramdaman 'yan. Walang mali sa pagpapakita ng totoong nararamdaman. Pero I feel sorry for him. Sana maka-move on siya kaagad at mahanap ang babaeng para sa kanya talaga." Mahabang sabi ni Janessa.

"'Yan din ang hiling ko. Pero hindi pa dito natatapos ang lahat. Hihintayin ko pa ang pagbalik ni Lauren."

"Tingin ko, d'yan ka mahihirapan. Sa post pa lang niya, parang heavy na. Paano pa kaya kapag sa personal?"

"Kakayanin ko. Sana tulungan ako ng kuya mo. Kung totoong mahal niya 'ko, hindi niya 'ko hahayaan mag-isa." Sabi ko at tiningnan siya.

"Magtiwala ka lang kay kuya." Sabi niya at ngumiti. "At saka lahat ng bagay na pimaghihirapan, worth it kapag nakuha mo na. Malay mo, nahihirapan kayo ngayon pero eventually kapag naayos na, masaya na."

Key To His Heart ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon