Kiara.
"Thank you, Ma'am."
Nakangiting tumango ako at saka lumabas na ng coffee shop bitbit ang kape na binili ko para kay Jairus. Bagong release kasi itong Caffè Corretto dito sa shop namin, at gusto kong matikman ito ni Jairus dahil sa tingin ko ay matagal-tagal na rin simula noong huling bumisita siya dito sa coffee shop namin.
Bukod sa kape ay bumili rin ako ng Cottage Pie. Tinext ko si Janessa na mangangapitbahay ako sa kanila pero ang sabi niya ay wala raw siya sa kanila, umalis raw sila ni Dave. Whatever.
Pumara na ako ng cab at saka nagpahatid sa mismong tapat ng bahay nila Jairus. Nang makarating at makapagbayad ay kaagad na sumibad palayo ang taxi at ako naman ay hinarap ang malaking gate nila. Nag-doorbell ako.
"Ikaw pala 'yan, pasok ka." Bungad sa akin ni Nanay Delia nang mapagbuksan niya ako.
"Thank you po. Nand'yan po si Jairus, 'Nay?" Tanong ko.
"Ahh, oo. Natutulog sa sala, madaling-araw na kasi umuwi. Mukhang may hang-over."
"Gan'on po ba?"
Tumango ito. "Oo. Osiya, dumiretso ka na lang doon at ipagpapatuloy ko ang labahin ko." Sabi niya at dumiretso na sa likod-bahay.
Si Jairus, madaling-araw na umuwi? Hang-over? Naku, pasaway talaga. Uminom na naman. Ano kayang dahilan? Nag-emote na naman ba?
Nagkibit-balikat na lang ako at pumasok sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa sala at nakita kong natutulog nga siya roon sa sofa, nakahalukipkip pa at nakapatong lang ang t-shirt niya sa katawan niya.
Saktong naupo ako sa armchair nang lumabas sila Tita Jenelle at Tito Allen sa kwarto nila. Parehas silang nakagayak at mukhang aalis.
"Hello po," Tumayo ako ulit para makipag-beso kay Tita Jenelle at nag-bless naman ako kay Tito Allen.
"Napadalaw ka, anak? Wala si Janessa, medyo kakaalis kani-kanina lang kasama si Dave." Tanong sa'kin ni tita.
"Oo nga daw po eh, pero napadaan na rin po ako dito para dalhan si Jairus ng kape, ito po kasi 'yung bagong ino-offer ng shop namin. Gusto ko lang po na matikman niya since mahilig naman po siya sa kape." Nakangiting sabi ko.
"I see. Sige, kaso tulog na tulog si Jairus at madaling-araw na raw kasi umuwi sabi ni Nanay Delia."
"Okay lang po, hintayin ko na lang po siyang magising."
"O siya, mauna na kami ng tito mo. May lakad kasi kami."
"Sige po. Ingat kayo." Nakangiting sabi ko sa kanila.
Ngumiti naman si Tita Jenelle at si Tito Allen ay tumango naman. Nang makaalis sila ay inilapag ko ang pasalubong ko kay Jairus sa lamesa at saka naupo sa armchair. Ang sarap ng tulog ni Jairus kaya naman naisipan ko munang manood ng TV.
Halos thirty minutes na akong nanonood pero tulog na tulog pa rin si Jairus. Gaano ba 'to katagal nagbabad sa alak at tulog-mantika ata?
Nang sa tingin ko ay wala na akong magawa at bored na bored na ako, hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko at lumapit ako sa kinaroroonan ni Jairus.
BINABASA MO ANG
Key To His Heart ✔
Fiksi RemajaYOUNG ADULT: Kiara longed for Jairus' attention since they were young. At a young age, she started to admire him until they grow up, her hopes are high that Jairus will finally notice her. But, Jairus is near yet so far, at gaya ng isang bituin ay t...