Kiara.
"Tara na, Pooh." Pigil ang tawa ko nang tawagin ko si Jairus.
Bigla siyang sumimangot sa sinabi ko.
"Why? Sabi mo tawagin kitang Pooh, 'di ba?" Natatawang tanong ko.
"Ngayon ko lang na-realize na ang corny pala ng sinabi ko tungkol sa Pooh na 'yan. Please get over with it, tatlong linggo na 'yon. 'Wag mo na 'kong tawaging Pooh, ang sagwa eh. Lalo pa't hindi naman ako mataba at hindi ko siya kamukha. At saka.."
"At saka ano?"
"Hindi naman ako nag-co-croptop at nagsusuot naman ako ng salawal."
Napatawa ako nang malakas dahil sa sinabi niya. Ang witty!
"But you must still remember that you're all I need, honey."
Pakshet ka! 'Wag mo akong simulan, Jairus.
"Let's go." Pag-aaya niya. "Get in."
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko at sumakay na sa loob ng kotse.
"Wala. Sinabi ko bang may pupuntahan tayo?"
"Eh pinasakay mo 'ko dito sa kotse mo, so ibig sabihin may pupuntahan tayo." Nagtatakang sinabi ko.
"Pwede namang mag-roadtrip lang." Sabi niya nang makasakay na rin sa loob ng kotse.
In-start na niya ang makina.
"Roadtrip?"
"Yeah. Ubos gas lang."
"Seryoso?" Gulat na tanong ko.
"Yeah. Pero bukod doon, gusto ko lang na makausap at makasama ka, na etong kotse lang din ang saksi sa lahat ng pag-uusap natin. Walang iba."
Natahimik naman ako. Bakit sa tuwing babanat siya, hindi ako maka-imik? Ahh, baka sa kilig.
Shut up! Ang landi mo, Kiara.
Nagsimula na siyang magmaneho patungo sa walang patutunguhan. Ano daw?
Pero gaya nga nang sabi niya, roadtrip lang daw at wala kaming pupuntahan. Kaya kung saan-saan kami napunta. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya kaya nanatili lang akong tahimik.
Maya maya ay isang pamilyar na kanta ang pumailanlang sa loob ng kotse.
I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car
Naramdaman ko na nakatingin si Jairus sa'kin kaya sinulyapan ko siya. Binigyan niya ako ng isang ngiti.
And as we go the traffic lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening
"And I've got all that I need.. Right here in the passenger seat.."
That froze me a moment, when I heard him singing.
"Oh and I can't keep my eyes on the road, knowing that she's inches from me.."
Muli ko siyang sinulyapan at nakita kong nakatitig pa rin siya sa akin. Anong ibig niyang sabihin habang kinakanta niya 'yon?
Namula ako sa sobrang hiya.
"T-Tumingin ka sa daan." Tanging nasabi ko.
"Sorry, I just can't stop myself from staring at you. Nakaka-relax kasi kapag tinitignan ko ang mukha mo."
BINABASA MO ANG
Key To His Heart ✔
Fiksi RemajaYOUNG ADULT: Kiara longed for Jairus' attention since they were young. At a young age, she started to admire him until they grow up, her hopes are high that Jairus will finally notice her. But, Jairus is near yet so far, at gaya ng isang bituin ay t...