Chapter 32

175 43 17
                                    


Kiara.

"I will be having a short vacation in Canada."

Nahinto ako sa pagkutkot ng kuko ko at tumingin sa phone kung saan ka-video chat ko si Stephen.

"For real?" Tanong ko.

"Yeah. Pinapapunta ako ni ate dahil pupunta rin daw 'yung ibang relatives namin. Magkakaroon ng grand reunion."

"Okay 'yan para makapag-unwind ka."

"I will miss you.." Mahinang sabi niya pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko.

Ngumiti lang ako. Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Pero okay na rin 'yon para makabili ako ng mga pasalubong sa'yo fresh from Canada. Anong gusto mo?" Nakangiting tanong niya sa akin.

"Naku, Penpen. 'Wag ka nang mag-abala, hindi mo na kailangang—"

"Kiara, hindi ka na nasanay." Natatawang sabi niya.

"Nag-aaral ka pa lang, estudyante ka pa lang din kagaya ko kaya 'wag ka basta-bastang naglalabas ng pera. Malay ko ba kung allowance mo 'yan."

"I have my own money. Mag-ooffer ba 'ko kung nagtitipid ako? C'mon, 'wag ka nang mahiya."

"Bahala ka na. Hindi ko alam kung anong gusto ko eh." Nakangiting sabi ko.

"Okay!"

"Gaano katagal ka bang mawawala?" Tanong ko.

"I'll stay there for about one month. Sasamantalahin ko ang bakasyon natin tapos uuwi ako rito bago mag-pasukan."

"Ohh.. Matagal-tagal rin pala."

"Yeah. Sana makausap pa rin kita kahit nandoon na ako."

"No problem about that. May Messenger at Skype naman." I assured him.

"Thanks. Gusto ko rin sana isama si Kuya Jairus para magkita na sila ni ate. Kaso tinanggihan ako ni kuya, busy daw siya sa trabaho. N'ong sinabi ko naman kay ate, hindi naman kumibo si ate. Tingin ko medyo may hindi sila pagkakaintindihan ngayon kaya hindi ko na lang ipinilit. Ayoko rin naman makialam."

Totoo kayang busy si Jairus kaya hindi siya pumayag na sumama kay Stephen? O sinabi niya lang 'yon para umiwas kay Lauren?

"Paano ba 'yan, I have to go. May aasikasuhin lang ako para malaman ko na ang schedule ng flight ko." Maya maya ay sabi niya.

"Sure. Take your time. Mag-iingat ka." Sabi ko at bahagyang kumaway sa screen.

"Thanks! I love you."

Hindi ako sumagot, ngumiti lang ako. Ilang saglit pa ay na-disconnect na ang video call. Itinabi ko muna ang phone ko at saka itinuloy ang paglalagay ng nail polish sa mga kuko ko.

Hinahayaan kong sabihin sa akin ni Stephen ang mga katagang iyon, pero hindi ko pa talaga magawang sagutin ngayon. Hindi ko alam kung kailan. Kung ibabalik ko man sa kanya ang I love you's niya, gusto ko ay ganoon na din dapat ang nararamdaman ko sa kanya kagaya ng kung ano ang nararamdaman niya para sa akin.

Ayoko siyang paasahin, at sa ngayon ay gusto kong manatili lang talaga muna kami bilang magkaibigan. Tingin ko mas maigi 'yon para sa aming dalawa.

Besides, may iba nang nandito sa puso ko. Taong nandito sa puso ko na kailanman ay hindi mapapasa'kin.

Napabuntong-hininga ako sa naisip kong 'yon.

Kung itatanong n'yo, back to normal na ulit ang lahat. Nasa trabaho si Jairus, samantalang ako ay tambay sa bahay dahil nga bakasyon.

Key To His Heart ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon