Kiara.
"She makes the hairs on the back of my neck stand up.."
Dahan-dahan akong lumapit sa pinto ng kwarto kung saan nanggagaling ang napakagandang boses.
"With just one touch.."
"HUY!"
"Ay, pukalakala ka!" Gulat na sabi matapos na may manggulat sa'kin.
Napairap ako nang makita si Janessa. Naka-pamewang pa siya habang nakatingin sa akin ng malisyosa.
"And I erupt like a volcano and cover her with my love..."
"Ikaw ha! Stalk mode kay Kuya Jai." Nakakaloko pa ang ngiti niya.
Umirap lang ako.
"Nagpapapawis si kuya. Maya-maya papasok na 'yan sa trabaho niya." Sabi pa niya.
"Tinatanong ko ba?" Naaasar na naman ako rito sa bestfriend ko. Napakamalisyosa!
"Baby girl you make me say, ohh ohh ohh.."
"Sus! Kunwari ka pa, kaya pala nakabantay ka d'yan sa tapat ng kwarto niya."
"Napadaan lang." Palusot ko.
"Hay, ewan ko sa'yo. Bahala ka d'yan, aalis na ako."
"Saan na naman ang punta mo?"
Hindi siya sumagot at hinalikan lang ako sa pisngi. "Bye!"
Napairap ako. If I know, may date na naman sila ni Dave. Napapadalas na ang paglabas-labas nila porket legal na, wala na rin tuloy kami masyadong bonding ni Janessa kasi nga may boyfriend na siya. Pero hindi naman ako nagtatampo.
"Oh, hi Kiara."
Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang sumulpot si Jairus sa tabi ko. Naka-itim ito na sando at nangingintab ang mga braso at katawan niya dahil sa pawis.
"H-Hi." Tarantang sabi ko.
"I'm sorry. Mabaho na ba 'ko? Pasensya ka na, nagbuhat kasi ako eh."
"Wala naman akong sinabing mabaho ka." Nakalabing sabi ko.
"Baka lang nababahuan ka." Natatawang sabi niya habang pinupunasan ng towel ang kanyang basang buhok.
"Hindi nga. Pero buti papasok ka na, nabanggit sa akin ni Janessa." Sabi ko sa kanya.
Naglakad siya papuntang kusina kaya sinundan ko siya. Kumuha siya ng pitsel ng tubig at saka naglagay sa baso at uminom.
"Yup. Babawi nga ako eh. Wala akong magiging day-off this week."
"Kumusta kayo ni Lauren?" Biglang tanong ko.
Natigilan siya. Pero maya maya ay nakahuma rin siya at nilagay ang baso sa lababo.
"Wala namang bago." Tipid na sagot niya.
Hindi na lang ako nagsalita. Ano bang nangyayari kay Lauren? Nakalimutan na ba niyang may naiwan siyang boyfriend rito sa Pilipinas?
Ano kaya kung komprontahin ko siya? Kaso naisip ko din na 'wag na. Baka sabihin pa ay nanghihimasok ako sa relasyon nila.
"Lumayas na naman ang kapatid ko?" Tanong niya.
"Oo, may lakad ata sila ni Dave."
Sumimangot lang siya pagkarinig ng pangalan ni Dave. "Ikaw ba? May lakad ka din with Stephen mo?" Nakangising sabi niya.
"Wala ah. Anong Stephen ko ka d'yan."
"Sagutin mo na kasi 'yon para parehas na kayo ng kapatid ko na may boyfriend tapos may kasama ka na rin lumabas-labas." Natatawang sabi niya.
BINABASA MO ANG
Key To His Heart ✔
Teen FictionYOUNG ADULT: Kiara longed for Jairus' attention since they were young. At a young age, she started to admire him until they grow up, her hopes are high that Jairus will finally notice her. But, Jairus is near yet so far, at gaya ng isang bituin ay t...