Chapter 25

194 63 6
                                    


Kiara.

Mabilis na lumipas ang araw. Malapit nang matapos ang second semester, finals week na. Kaya medyo busy ako ngayon. Hindi ako gaanong nakakapunta ngayon kila Janessa, kaya wala na rin akong masyadong balita kung kumusta na si Jairus. Sana ay okay lang siya.

Ngayon ay abala akong mag-review dito sa student lounge para sa final exam sa tatlo naming major subject. Saya 'no?

Dinukot ko ang phone sa handbag ko nang tumunog ito. Nag-text si Stephen.

From: Stephen

Good morning, beautiful!

Napangiti ako, pero hindi kinilig.

Nag-reply ako. Binati ko rin siya ng good morning, at tinanong ko kung anong oras ang klase niya. Pero hindi na siya nag-reply.

"Bes."

Napalingon ako sa likuran ko at nakita si Janessa. Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko.

"Oh. Vacant mo?" Tanong ko sa kanya.

"Actually, nag-uumpisa na ang klase namin pero may ipapakita muna ako sa'yo."

"Siraulo ka. Pumasok ka muna, hindi ba makakapaghintay 'yan?"

"Makakapaghintay naman 'to. Pero ako hindi na makapaghintay eh!" Sagot niya at inilabas ang phone niya mula sa bag niya.

"Ano ba 'yun?"

"See for yourself." Sabi niya at inabot sa akin ang phone niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa ipinakita niya sa akin.

"Kailan niya 'to pinost?" Tanong ko.

"Kaninang madaling araw lang. Ayan oh, 3am. Anong masasabi mo?"

"Nakita na ba 'yan ni Jairus?"

"Hindi ko alam."

Hindi ko alam kung anong i-rereact ko sa picture na 'yon. Si Lauren, nag-upload ng photo sa Instagram na may kasamang lalaki. Ayos lang sana kung marami silang kasama sa picure, pero hindi. As in sila lang dalawa lang ng lalaki at halatang close na close sila.

Napaisip ako. Nakita na kaya 'to ni Jairus? Kung oo, ano kayang reaction niya?

"So, anong masasabi mo?" Tanong ulit sa akin ni Janessa.

Napabuntong-hininga ako. "Mamaya na tayo mag-usap. Pumasok ka muna sa klase mo. Tsismosa ka talaga."

"Okay, basta mamaya usap tayo kapag nag-meet ang vacant natin ah?" Sabi niya at tumayo na.

Hindi ako sumagot, ibinalik ko ang tingin sa librong binabasa ko. Baliw talaga, may 'kapag nag-meet ang vacant natin' pang nalalaman. Para namang hindi kami nagkikita sa bahay namin o sa bahay nila.

I decided na contact-in si Jairus, tiningnan ko sa Messenger kung online na siya, pero hindi pa. Siguro ay tulog pa kaya nag-iwan na lang muna ako ng message.

Kiara Ruiz:

Hey, what have you been up to lately?

Pinilit kong 'wag mag-isip ng kung anu-ano tungkol kay Lauren. Malay ba namin, baka relative niya lang pala 'yon sa Canada. Who knows?

***

"Okay ka pa?" Natatawang tanong sa akin ni Stephen.

"Kinakaya pa. Isang major subject na lang naman eh." Nakangiting sagot ko.

Key To His Heart ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon