Kiara.
"Ewww! Kuya, kadiri ka! Ang baho!"
Natatawa ako na naiinis. Gusto ko sanang sapakin 'to si Jairus, kaso next time na lang. Kapag hindi na ito lasing at nahimasmasan na.
"Shleep na 'ko.." Sabi ni Jairus at sa leeg ko naman sinubsob ang ulo niya.
At kagaya ni Janessa, pinaliguan niya din ako ng suka niya.
"Sht ka, Jairus! Argh!" Inis na sigaw ko din.
"Ayan! Tatawa-tawa ka pa ha. Sarap ng suka ni kuya 'no?" Sabi sa'kin ni Janessa.
"Ano bang gagawin natin dito?" Aligagang tanong ko.
"Hindi ko alam. Iupo muna natin sa sofa."
Sumang-ayon ako at itinuloy namin ang pag-akay kay Jairus papasok ng bahay nila.
Pabagsak na inupo namin si Jairus sa couch. Nakapikit na ito at bahagyang nakapilig ang ulo habang nakasandal sa sofa.
"Tanggalin mo 'yung sapatos ni kuya. Aayusin ko lang 'yung sasakyan niya sa labas." Sabi sa'kin ni Janessa at lumabas na ulit ng bahay.
Sinulyapan ko si Jairus at inalisan siya ng sapatos. Ano ba naman 'tong lalaking 'to, iinom inom pero hindi kayang dalhin.
"Hmmmm.." Tuluyan na siyang humiga sa couch.
"Uy, wait lang! Madudumihan 'yung couch ng suka mo!" Pigil ko sa kanya at pilit na inupo ulit.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Parehas kaming tatlo nila Janessa na naliligo ng suka ni Jairus. Talaga 'tong lalaking 'to, kaya pala umalis kanina para mag-inom. Nakakaloka.
"Gigisingin ba natin sina tita?" Tanong ko kay Janessa nang makapasok siya ulit sa loob ng bahay.
"Naku, 'wag na. Mag-iingay lang dito sa bahay dahil hindi titigilan ni mommy na sermunan 'yan si kuya. Sayang din naman 'yung isesermon niya dahil lasing 'tong ugok kong kapatid." Sagot niya.
Tinapik-tapik ko ang pisngi ni Jairus. Wala, plakda talaga.
"Maligo ka muna, Kiara, ako muna ang bahala dito kay kuya. Pagtapos mo, bumalik ka dito at tulungan mo ko dito sa magaling kong kapatid." Sabi niya sa akin. "Kumuha ka na lang ng tuwalya at damit doon sa cabinet ko."
"Okay, hintayin mo ako." Sabi ko at sinunod siya.
Pumasok ako ng kwarto niya at naghalungkat ng tuwalya at damit. Pagtapos ay dumiretso ako ng banyo para linisin ang sarili ko.
Kanina, nasa bahay na ako at nananahimik na nang biglang tumawag sa akin si Janessa, 'yung kuya niya daw kakauwi lang. Need niya daw ng tulong ko.
Ako naman to the rescue, nagpunta agad ako sa kabila at nadatnan doon sa labas si Janessa at Jairus. Si Jairus ay nakasakay sa loob ng kotse niya at mukhang tulog, pero lasing pala. Amoy alak eh.
Sabi ni Janessa, isasara na daw sana niya ang bintana ng kwarto niya nang makita nga niya sa labas ang kotse ni Jairus at nakabukas ang pinto.
Ayun, malaman-laman niya lang na nakainom pala ito. Pabalabag lang din ang pag-park ng sasakyan nito sa tapat.
Natapos na akong mag-shower at dumiretso na ulit ako sa sala.
"Ikaw naman," Sabi ko kay Janessa.
"Sige. Hindi ko alam gagawin ko dito kay kuya eh. Nangangati na 'ko sa suka niya ang baho pa. Bwisit talaga 'to." Sabi niya at umalis na para linisin ang sarili niya.
BINABASA MO ANG
Key To His Heart ✔
Подростковая литератураYOUNG ADULT: Kiara longed for Jairus' attention since they were young. At a young age, she started to admire him until they grow up, her hopes are high that Jairus will finally notice her. But, Jairus is near yet so far, at gaya ng isang bituin ay t...