Kiara.
"Late na naman tayo! Naaasar na 'ko Kiara! Isang beses pang tanghali ka na naman magising at paghintayin ako, pasensyahan tayo at tatanggi na 'ko kila Tita Kristina na isama ka sa paghatid tuwing umaga."
Nasa kotse na kami. Monster na naman si big brother. Pa'no kasi, late na naman ako nagising gaya nung isang araw. Ang dahilan eh napuyat ako kaka-movie marathon kaya nahirapan ako gumising.
Kung bakit naman kasi 'tong si Janessa 'di na naman sumabay sa'min eh. Eh 'di sana may kasama akong napagalitan din ni Jairus the monster. At kung bakit naman kasi shunga ka Kiara, eh may pasok ka nga kinabukasan tapos magpupuyat ka! Sobra na.
"Sorry na. Gusto mo bigyan na lang kitang pampalubag loob? Ice cream? Cake? Salad?" Tanong ko.
"'Di ko kailangan nun Kiara. Ang kailangan ko matuto kang gumising sa oras! Buti sana kung driver mo lang ako wala kong pake kung ma-late ka pero estudyante din ako. Pag late ka, late din ako!"
"Sungit mo naman! Menopause?" Pang-aasar ko.
"Baba na." Utos niya.
Ops. Nasa school na pala kami. Tinanggal ko na 'yung seatbelt ko at saka bumaba na 'ko sa kotse niya.
"Bye!" Pang-aasar ko pa habang kumakaway sa kanya. Inirapan lang niya 'ko tapos pinaharurot na niya 'yung sasakyan niya.
Tse! Suplado. Naglakad na ako papasok sa school.
Napaangat ng bahagya ang isang kilay ko nang makasalubong ko ang Mika and friends at nilapitan ako. Mga kaklase ko ito na twenty-twenty ang vision kapag may nakikitang gwapo. Parang alam ko na ang kailangan nito.
"Would you mind if I ask you kung sino 'yung guy na naghatid sa'yo? I find him so cute." Mika winked.
"Well, he is Janessa's elder brother." Tipid na sagot ko.
"Oh.. I see. Pinatulan mo ang kuya ng bestfriend mo. But I'm going to tell you something..." Sabi niya at saka bahagyang lumapit sa'kin at bumulong, "Bantayan mo siyang mabuti, baka magulat ka na lang, akin na siya." Malanding sabi niya.
I laughed sarcastically. "Girl, hindi ko sinabing boyfriend ko siya, ang sabi ko lang kapatid siya ng bestfriend ko. Got a problem with that? Ngayon kung type mo siya, landiin mo. The hell I care. Nobody cares. Ang tanong.." Lumapit ako ng bahagya sakanya at bumulong, "Papatulan ka ba? Eh you're such a sort of.. plastic bag dirt?" I even flashed a devil smile.
Nakita kong nabubwisit siya sa sinabi ko. As if naman papatulan siya ni big brother! Oo suplado 'yun at antipatiko pero sa tingin ko hindi 'yun papatol sa tulad nito.
"So.. can you please excuse me kasi papasok na ko sa room natin, I'll stay inside na. Unlike you, na nag-iikot pa dito sa quad para magpa-cute sa boys. Bye!" That was my last straw para tuluyan silang walk-out-an. At naiwan silang nakanganga.
***
"Kiara, sabi pala ni kuya punta ka daw dun sa coffee shop n'yo, for snack daw. Saka peace offering na rin daw dahil sa pagsusungit n'ya sa'yo kaninang umaga."
Napakunot-noo ako habang inaayos ang gamit ko. Totoo ba ang narinig ko? Hmm.
Uwian na kasi namin at inaayos lang namin gamit namin at aalis na kami. Pero mukhang hindi na naman kami sabay uuwi ng bruhang 'to.
"Talaga ba? Parang 'di kapani-paniwala 'yang sinasabi mo Ja." Sabi ko at binitbit na ang handbag ko. "Tara na, umuwi na tayo gutom ako. Nagpa-bake ako kay mommy ng cupcakes eh."
BINABASA MO ANG
Key To His Heart ✔
Genç KurguYOUNG ADULT: Kiara longed for Jairus' attention since they were young. At a young age, she started to admire him until they grow up, her hopes are high that Jairus will finally notice her. But, Jairus is near yet so far, at gaya ng isang bituin ay t...