You're The Puzzle Of My Heart

24K 275 13
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Book1: You're The Puzzle Of My Heart



Mula high school ay malaki na ang pagsintang-pururot ni Jennifer sa kaklase niyang si Ryan. Pero di naman siya nito pinapansin maski yata magta-tumbling pa siya sa harapan nito at maski silently proclaimed na ang damdamin niya para rito sa buong klase nila. At kahit ganoon pa man ay patuloy pa din siya sa panunuyo at pagpapa-cute rito. Hanggang sa isang araw ay makasilip siya ng pagkakataon para makalapit dito ng todo. Ayos na sana dahil pinapatulan na din naman nito ang kakulitan niya, pakiramdam pa nga niya'y nagugustuhan na din siya nito, kaya naman nagdesisyon na siyang ipagtapat dito ang totoong damdamin niya.

Subalit di niya pala dapat na ginawa iyon,dahil ang naging suma-tutal ng lahat─nabasag ang puso niya.

'Ayokong patuloy kang magmahal sa akin kasi may iba na akong nagugustuhan. She's a bit older than you and you have things in common kaya minsan, di ko mapigilan ang sarili ko na titigan ka. Di ko naman akalain na mabibigyan mo iyon ng ibang kahulugan.' Iyon ang mga salitang binitiwan nito sa kanya kaya nagpasya siyang layuan na ito.

Mahabang panahon din ang lumipas nang muling magsanga ang mga landas nila ni Ryan.At kung di nga ba naman nakakaloko si kupido, kung kailan may boyfriend na siya, saka naman nito naisip na panain ang puso ng binata para ligawan siya. Anong gagawin niya kung ganitong ang lalaking inakala niyang nakalimutan na niya'y muling nagpapakalat-kalat sa kanyang harapan para guluhin na naman ang matiwasay na daloy ng kanyang buhay? Will she choose the one who loves her, or choose the one she loves but once rejects her?

Chasing A Prince Trilogy (COMPLETED Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon