Chapter 8

4.3K 105 2
                                    

"HOW was the lunch date?"

Napalingon si Rachel sa madilim na mukha ng nagsalitang si JD. Papalabas na siya ng building patungong parking lot para umuwi. Nakakapagod ang buong maghapon na iyon. She's really worn out, not just mentally or physically, but also emotionally. Mas stress pa yata ang dibdib niya kesa sa isip at katawan niya.

"Date?" kumunot ang noo niya.

"Nag-lunch kayo ng sabay ni Andrei kanina di ba?" paglilinaw nito.

What is it to you?! Gusto niya iyong isigaw rito. Pero pinigilan niya ang sarili.

"Ah, oo. Nagutom kasi ako kaya napaaga ang pagla-lunch ko."

"Wala namang problema sa akin kung maya't-maya'y gusto mong kumain. Pero bakit kailangang si Andrei pa ang kasama mo?" walang emosyong saad nito.

At ano bang problema na naman nito? Akala ba niya'y nag-cease fire na ang magpinsan? Di nga ba't nagpaubaya na si Andrei? Tanggap na ng huli na talo iyon, ano na naman ba ang issue nito sa pinsan nito?

"Wala naman akong makitang masama kung sabay kaming kumain ni Andrei. And I thought, okay na kayo?"

"We will never be okay!" paasik na saad nito sa kanya.

Nayayamot na humarap na siya rito ng tuluyan. "Ano pa bang problema mo? Nagpaubaya na nga sayo 'yung tao? Tanggap na niyang sayo mapapapunta ang kompanya, ano pa bang gusto mo?"

"Paano mong nasasabi iyan? Wala pa namang desisyon si lolo." Namamanghang saad─tanong nito.

Kung ganoon, kaya pala ito nananatiling nayayamot sa pinsan nito ay dahil hindi pa din ito kompiyansa na makukuha nito ang pamamamahala sa Serania Media. Wala na talagang ibang mahalaga dito kundi ang trabaho nito. Oh! Mukhang may bago na nga pala itong interest sa buhay. Ang angry bird na Georgina na iyon─palagi kasing may feathers ang hairstyle ng babae kaya pinangalanan na niya iyong angry bird sa isip niya.

At para nga naman maging magkapantay ang dalawa, kailangan nitong makuha ang posisyon. Georgina was the former president of Tolentino Communication. Ngayong nag-merge na ang dalawang kompanya, posibleng mas lalong maging eager si JD na makuha ang buong pamamahala sa Serania Media para naman di ito maging alangan kay Georgina.

"Andrei told me that he had already given up what's his. Tanggap na niyang sayo mapupunta ang kompanya. Hindi na siya makikipag-agawan. Kaya maski na wala pang lumalabas na desisyon ang lolo ninyo, makampante ka ng magiging sayo ang kompanya." She said coldly.

Magsasalita pa sana si JD nang marinig naman nilang tinatawag ito ni Georgina.

"Let's go, babe. Torch restaurant is waiting for us."

Agad na umangkla ang babae kay JD pagkalapit pa lang nito. Napatingin siya sa mukha ni JD, wala iyong emosyon na nakatitig din lang sa kanya. Tila hinihintay na mag-react siya. Bumaba ang mga paningin niya sa magkalingkis na mga braso ng mga ito. Gusto niyang haltakin ang braso ni Georgina palayo kay JD. Subalit di niya ginawa. Bakit niya gagawin iyon? Wala siyang karapatan. Kahit kailan ay di siya nagkaroon ng karapatan na gawin ang bagay na iyon sa kahit na sinong babae na lumilingkis rito. Isa pa, paano kung ang babaeng ito na pala talaga ang siyang hinihintay ni JD? Sa nakita niyang pagiging malapit ng dalawa, imposibleng isipin niyang isa si Georgina sa mga babaeng di ninanais ni JD na umaali-aligid dito. Kaya bakit naman niya gagawin ang isang bagay na alam niyang hindi ikakatuwa ng binata?

Pinilit niyang ngumiti kay Georgina at saka tumango. "Mauna na po ako sa inyo, Ma'am, Sir. Enjoy your night."

Hindi na siya nag-abalang sulyapan si JD at saka tinalikuran ang mga ito. Malamang kasi na masaktan lang siya sa posibleng blankong ekspresyon ng mukha nito. Kung noon ay binabalewala lang niya ang usual cold expression nito, ngayo'y di na yata iyon maaatim ng dibdib niya. Noon kasi, alam niyang wala itong pinag-uukulan ng warm expression nito. At swerte siya dahil minsan siyang natatapunan ng warm treatment nito. Subalit ngayon, alam niyang may isang babae na na posibleng pinag-uukulan nito ng gayong warmth. And it tormented her heart. Thinking about the two, was really tormenting her.

Chasing A Prince Trilogy (COMPLETED Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon