Chapter 1

7.5K 126 0
                                    

"BABES? Ano bang sinisilip-silip mo diyan?" nakasimangot na tanong ni Axel kay Rachel.

"Huwag mo nga akong ma-babes-babes diyan. Baka gusto mong pasabugin ko 'yang nguso mo?" matapang na banta naman niya sa katabing si Axel. Kaklase niya sa IV-A class at manliligaw niya ito, na maski ilang beses na niyang sinabi na ayaw niya dito ay tuloy pa din sa pagpapa-cute sa kanya. Kaya naman pinabayaan nalang niya ito sa trip nito sa buhay.

Kagagaling niya lang sa canteen at may sinusundan na lalaki ng humarang naman si Axel sa daraanan niya. Ayos na din naman na hinarangan siya nito, dahil kung hindi, malamang na nagkagulo na sa males comfort room. Doon kasi nagtungo ang lalaking hinahabol niya. Ang lalaking nag-abot sa kanya ng isang basong tubig matapos mabilaukan sa napakadaming pasta na isinubo. Aminado naman siyang nakaka-turn-off siya kapag kumakain dahil wala siyang pakialam kung kasinlaki man ng kamao ang pagkaing isusupalpal niya sa bunganga. As long as lulusot pa iyon sa bibig niya ay walang problema. Dahil kung may isang pinaka-numero unong nais niyang gawin sa buhay niya, iyon ay walang iba kundi ang kumain. At walang makakapigil sa kanyang lumantak kung gustuhin man niya. Kaya lang, kanina'y parang nahiya na siya sa sarili matapos matunghayan ang gwapong lalaking nagligtas ng buhay niya mula sa mga mapaminsalang pasta. Oo, mapaminsala na ang tingin niya sa pasta dahil kamuntik na siyang utasin ng mga iyon.

"Ang sweet mo naman, babes. Papasabugin mo ang puso ko? Nang ano? Pagmamahal mo?" nakangiting saad sa kanya ni Axel. Alam niyang sinadya nitong magkunwari na mali ang nadinig, taktika na nito iyon para makapaglambing sa kanya.

"Tumigil ka nga diyan. Ang corny mo! Nguso mo ang pasasabugin ko at hindi ang puso mo."angil niya. Ang tagal namang lumabas ng gwapong lalaking iyon. Lubid ba ang inilalabas nito sa comfort room?

"Sweet mo pa din, babes. Pasasabugin mo ang nguso ko sa pamamagitan ng kiss?"

Sasagot na sana siya nang may marinig na nagtitilian.

"JD!!!"

"Ang gwapo mo talaga!"

"Pwede bang magpatulong sayo ng paggagawa ng speech? Magaling ka daw sa ganoon eh."

"Ako din JD, patulong din ako sa Geometry ko. Ang hirap kasi ng subject na yun."

Naningkit ang mga mata niya matapos mapag-alamang pinaghahalibuybuyan ng mga haliparot na female students ang gwapong lalaking kanyang tagapagligtas. Tinabig niya si Axel upang agad na makalapit sa lupon ng mga babaeng nag-aabang din pala sa inaabangan niya. Bakit nakaligtas sa sensor niya ang gwapong lalaking ito? Di niya agad natunugan na may ganito pala kagwapong estudyante sa paaralan nila. College na ba ito? Bakit hindi sa college extension ng campus nila ito nagpapakalat-kalat?

Chasing A Prince Trilogy (COMPLETED Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon