NAG-AALALA si Azinnett para sa kaibigang si Jennifer. Natunghayan niya kasi ang ginawa nitong pagtatapat kay Ryan, doon mismo sa tapat ng fountain sa likod ng science building. Parang gusto niya tuloy magsisi na binuyo nila ni Rachel ng husto ang kaibigan para magtapat na ng pagsinta nito kay Ryan. At sa huli ay sakit lang naman sa dibdib ang napala nito. Bago magsimula ang first dance ng Prom ay napagkaisahan nilang pagharapin ang dalawa nina Ryan at Jennifer, pero di naman naging maganda ang kinalabasan.
Papasok na siya sa loob ng covered court ng paaralan kung saan nagaganap ang Prom ng may kung sinong humaklit sa kanyang braso.
"Sean."gulat na saad niya.
"Saan ka na naman ba nagsusuot? Talagang balak mo akong indyanin ano?"madilim ang mukha na litanya nito.
"Ha?"
"Tara na, magsisimula na ang first dance."
"Okay. Bumalik ka na sa table mo. Puntahan mo nalang ako sa table ko kapag nagsimula na."
"No. You'll going to join me on my table."At agad na siya nitong kinaladkad patungo sa mesa nito kasama ang mga classmates nito sa special class. Nandoon din ang kuya JD niya na ipinagtataka niya. Hindi naman kasi magkaklase ang dalawa. Oo at pare-pareho silang mga nasa 4th year pero magkakaiba naman ang mga sections nila.
"Bakit nandito ka, kuya?"di nakatiis na tanong niya rito.
"Tanungin mo 'yang kasama mo."Pasupladong tugon nito na ang tinutukoy ay si Sean.
She turned to Sean with a questioning look."I asked him to join me, since his your brother."He answered before she could ask.
"But why? And how you happen to know him?"
"He's popular in this school, how come I wouldn't know him? At syempre, dahil kapatid mo siya, dapat lang na maging magkaibigan din kami."
"He asked me lots of things about you."singit ng kuya niya.
"Really?"di makapaniwala at taas ang kilay na tanong niya. Bumaling ulit siya kay Sean."I knew this might sounds conceited but... gusto mo ba ako?"
Napatawa ang kuya JD niya."That sounds extremely conceited. Napakaganda mo naman yata para sabihin iyan." Nang-iinsultong komento pa ng kapatid niya. Pasikmat na binalingan niya ito. Aminado siyang tama ang kuya niya, pero kung di niya gagawin iyon ay di naman niya malalaman ang ibigsabihin ng mga inaarte ni Sean.
"Yes, I like you as a person."Maya-maya ay tugon ni Sean.
Hindi iyon ang nais na marinig ng puso niya. Pero, kahit paano ay masaya na din siya na gusto siya nito bilang tao. Sapat na iyon para sa isang tulad niya, mahirap naman kasing umasa sa walang kasiguraduhan.
"I like your being blunt, I like everything about you. Was that enough to answer your confusions?"narinig pa niyang dagdag na saad ni Sean.
"Satisfied."nakangiting wika nalang niya. Saka nagpalinga-linga sa paligid. Hinahanap niya sina Ryan at ang dalawa pa niyang kaibigan."Kuya, nakita mo bang pumasok na dito sina Ryan?"baling niya sa kapatid.
"Hindi pa, wala din si Rachel. Magsisimula na ang first dance."
Tumayo siya."Hahanapin ko muna sila."
"No, you stay here."pigil sa kanya ni Sean."Ako ang date mo, bakit naghahanap ka pa ng iba?"
Napamaang na naman siya rito. Para bang may iba pa itong ibig ipakahulugan sa sinabing iyon."Mga kaibigan ko ang hahanapin ko."
"Kaibigan mo din si Ryan? Bakit dinala mo siya sa madilim na bahagi sa likod ng science building? Anong ginawa ninyo doon?"
"Dinala mo si Ryan sa likod ng science building, Azi? What the hell are you trying to do, young lady?"galit na sita sa kanya ng kapatid.
BINABASA MO ANG
Chasing A Prince Trilogy (COMPLETED Published)
RomanceRepublished. Written by: Gazchela Aerienne Consist of three stories. Book1: You're The Puzzle Of My Heart Book2: Unchain My Heart Book3: Silent Commitment The stories are all came from unedited files so expect the worst grammar. :) Enjoy Reading! H...