RACHEL collided with Andrei at the door way. Dalawang baso ng mainit na kape ang bibit ng huli na muntik ng sumaboy sa kanya. And thank goodness, may lid ang mga styro cup na hawak nito.
"Oopps! Sorry!"
"Nandito ka pa pala. Sorry, nakalimutan ko ng magpasalamat sayo kanina. I was─"
"Preoccupied with so many things." pagsalo nito sa mga sinasabi niya. "Kamusta na ang dad mo?" Iniabot nito sa kanya ang isang baso ng kape.
"Thanks." aniya. "He's asleep now." Pagtukoy niya sa ama. "Ang haba ng sermon ko sa kanya, tinulugan lang naman ako."
Tawa lang ang naging tugon nito at dumeretso na sa mahabang waiting chair na naroroon sa labas ng silid. Sumunod siya rito. "Bakit nga pala nandito ka pa?" tanong niya pagkuwan. Ibinaba niya sa kanyang gilid ang styro cup na hawak.
"Paalis na din ako. Balak ko lang talaga na dalhan ka ng kape."
Ngumiti siya, ganoon din ito. "Paano? Aalis na din ako, susuyuin ko pa kasi si Shay. Galit na naman sa akin eh." Tumayo na ito.
Namilog ang mga mata niya na sinabayan ng tayo. "You mean─"
"Yes." Hindi pa man niya natatapos ang tanong ay agad na itong sumagot. At tama nga pala ang hinala niya. Dadating talaga ang araw na magkakaroon ng history ang bangayan ng dalawa.
"Hmm." Ngumisi siya rito ng makahulugan. "Sige, lumakad ka na nga. Pasensiya ka na, naatrasado ka pa sa lakad mo."
"Wala yun." Tumalikod na ito pero muli niyang tinawag ang binata. He turned to her saying: "Yes?"
She steps towards him and haunch on him to kiss his cheeks thank you. "Salamat ulit. And good luck to a new life." She teased. Worthy naman ito sa thank you kiss na iyon. He'd been good to her.
Ngumiti ito. "Anytime, sweety. And thank you."
He waved goodbye. Nang mawala na ito sa kanyang paningin ay saka naman niya ipinasyang pumasok na sa loob ng silid ng ama. Subalit kahahawak pa lang niya sa door knob ay may kung sino nang humaklit sa isang braso niya. She tilted upward, only to see the most handsome face she had ever saw in her entire life. At ang mukha na di na niya dapat pang tinitingnan.
He's clinching his teeth but later on he softens his expression. "Kamusta si Tito?" tanong ni JD.
Nagbawi siya ng tingin. Bakit ba kasi napaka-fresh pa din ng anyo nito matapos ang buong araw na trabaho at pakikipag-date kay Georgina. Wala ba itong kapaguran? O baka kaya ganoon ay dahil inspired naman ito sa pagtatrabaho.
"He's fine now. And still asleep. Gusto mo ba siyang makita? Pumasok ka nalang sa loob." sabi niya.
"Hindi mo ako sasamahan?" Tila nagtatakang tanong nito.
Pinagtaasan naman niya ito ng kilay. "Bakit pa? Malaki ka na, kaya mo na iyan. Wala namang multo sa loob, si Daddy lang ang nandiyan."
He glared at her with confusion."Hindi mo talaga ako sasamahan?"
Sinamangutan niya ito."Paulit-ulit?Pumasok ka na nga."
At binuksan na niya ang pinto upang makapasok ito sa loob. And it took her a lot of guts not to step in, with him. Parang bigla niya itong na-miss. Parang biglang gusto niyang magpakulong sa mga bisig nito tulad noon. Parang kay tagal na nitong nawala sa tabi niya gayong nandoon lang naman ito sa malapit at di nawawala sapaligid niya. Paano pa ba niya magagawang sanayin ang sarili na wala na ito sa kanya. Na di na niya magagawa ang paglalambing na nakasanayan na niyang gawin dito noon? Surely, she will live the rest of her life like she was in hell. Hell without him.
BINABASA MO ANG
Chasing A Prince Trilogy (COMPLETED Published)
RomanceRepublished. Written by: Gazchela Aerienne Consist of three stories. Book1: You're The Puzzle Of My Heart Book2: Unchain My Heart Book3: Silent Commitment The stories are all came from unedited files so expect the worst grammar. :) Enjoy Reading! H...