CHAPTER TEN

9.2K 205 23
                                    

"MANONG, bakit po tayo tumigil?" tanong ni Jennifer sa driver ng taxi na sinakyan niya. Patungo siya sa meeting place nila ng mga kaibigan nang umagang iyon. Late na siya sa napag-usapan nilang oras. Nag-aalala tuloy siya na baka iwan na siya ng mga ito.

Napagpasyahan niyang sumama sa mga kaibigan papunta sa isang beach resort sa Palawan. May photo shoot kasi roon ang kaibigan niyang si Azinett at si Sean ang modelo nito. Naisip nilang ituloy na rin iyon sa pagbabakasyon upang magkasama uli silang tatlo.

"May humarang po kasi sa daraanan natin, Ma'am," tugon ng taxi driver.

"Sino ba ang balasubas na 'yan?" naiinis na tanong niya.

Nanggigigil na bumaba siya ng taxi. Susugurin niya ang kung sino mang sakay ng kotse na humarang sa kanila. Kung kailan naman kasi na nagmamadali siya ay saka pa naisipan ng kung sino mang nilalang na ito na humarang sa kanila. Subalit hindi pala siya dapat bumaba ng taxi, dahil ang nilalang na humarang sa kanila ang dahilan kung bakit araw-araw ay magulo ang takbo ng isip at puso niya.

Mula nang mangyari ang insidente sa restaurant ay wala na siyang ganang gawin ang dapat gawin sa araw-araw. Hindi na niya naaasikaso nang maayos ang kanilang flower shop at nagkukulong na lamang siya sa kanyang apartment. Kung hindi lang talaga siya pinilit ng mga kaibigan na sumama sa mga ito papunta sa Palawan ay talagang magbuburo na lang siya sa apartment niya. Nagpapasalamat din siya kina Melissa at Nancy na hindi pa siya isinusumbong ng mga ito sa pamilya niya, kung hindi, malamang na sinugod na siya roon ng mga magulang at kapatid niya.

Pagkakita niya kay Ryan ay balak niyang pumasok agad sa loob ng taxi ngunit mabilis siyang nahawakan nito sa kanyang braso. Hinila siya nito patungo sa sasakyan nito.

"Ano ba? Bitiwan mo nga ako." Nagpumiglas siya mula sa pagkakahawak sa kanya ni Ryan subalit hindi pa rin siya makawala rito.

"Huwag kang susunod!" matigas na banta nito sa taxi driver na bumaba na rin ng sasakyan. Hindi iyon nakapalag dahil may hawak na baril si Ryan. Kinabahan siya. Ano na naman ba ang tumatakbo sa isip nito at ginagawa nito iyon? Ginawa na nga niya ang lahat upang hindi na magtagpo ang mga landas nila nang sa gayon ay wala na silang maging problema. Pero hayun ito ngayon at... kini-kidnap siya?

Pinaharurot ni Ryan ang sasakyan nito palayo sa lugar na iyon pagkatapos siya nitong maisakay sa kotse nito. Nagulat pa siya nang itapon nito ang hawak na baril sa labas ng sasakyan.

"Bakit mo itinapon?" hindi niya napigilang itanong dito. Dapat ay matuwa siya na wala na itong hawak na armas.

"Hindi 'yon totoong baril," kaswal lang na tugon nito. "Props lang 'yon."

"Props?! Puwede ba, Ryan, ibaba mo na ako. Male-late na ako. Hinihintay na ako nina—"

"Hayaan mo siyang maghintay. O mas magandang umalis na lang ang George na 'yon na hindi ka kasama," nakatiim-bagang na saad nito habang patuloy pa rin ito sa pagmamaneho. At bakit parang ang tinutumbok nilang destinasyon ay ang sadya rin niya?

"Si George? Bakit naman nadamay si George dito?" kapagkuwan ay tanong niya rito. Nalilito na siya sa mga pinaggagagawa nito.

"Don't make a fool out of me, Jen. Alam kong ngayon na kayo sasakay sa barko. At sa palagay mo ba papayag akong ilayo ka niya sa akin? Nasimulan ko na rin lang na umeksena sa relasyon ninyo, hindi na ako makokonsiyensiyang patuloy na paghiwalayin kayo. Matira na lang ang matibay sa aming dalawa."

Totoong nang araw ring iyon ang alis ni George at nawala na iyon sa isip niya. Isa lang naman kasi ang umookupa sa buong sistema niya.

Chasing A Prince Trilogy (COMPLETED Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon