"SAAN mo nakuha ang fafalicious na iyan? Infairness, mas bagay siyang maging mukha ng bachelors section ng CG."Ngiting-ngiting saad ng baklang si Ali habang nakikidungaw sa preview ng camera ni Azinnett.
Katatapos lang ng photoshoot nila at kasalukuyan na niyang minamasdan ang mga larawang kuha niya kay Sean. Halos matulala siya kaninang walang ka-effort effort na nagpo-pose si Sean sa kanyang harapan. Kung di niya lang alam na galit ito sa kanya, baka isipin na niyang inaakit siya nito sa paraan ng pagngiti nito. At kung di lang din malakas ang pagpipigil niya, baka dinaluhong na niya ang binata at pinupog ito ng halik. Napakagwapo nitong talaga, lalo na kapag ngumingiti. Mas ninais tuloy niyang i-zoom ang larawan sa parte ng mga labi nito.
"Ay! Bongga, gets na gets mo kung alin ang pinagpapantasyahan ko."Biglang tili ni Ali matapos niyang mai-zoom ang larawan. Nakalimutan niyang may kasama nga pala siya roon na nakikinood ng mga photographs.
Pasikmat na nilingon niya ang kanyang assistant."Hindi siya libreng pagnasaan, bakla. Humanap ka nalang doon ng iba."Inginuso niya ang mga staff nila na nagpa-pack-up na. Kasalukuyan silang nasa isang five star hotel, doon nila ginanap ang pictorial. Mas akma kasi sa character ni Sean ang kaelegantehan ng lugar kaya't binago nila ang venue. Dati-rati, sa studio lang niya sila nagpo-photo shoot. Pero dahil iba na ang modelo niya, nabago din ang lahat ng may kaugnayan sa pagkuha ng mga larawan nito.
"Sinong nagmamay-ari sa kanya? Kakalbuhin ko."nakasimangot na tanong ng mahaderang si Ali.
"Ako. Bakit? Aangal ka?"
Kilig na kilig na tinampal siya nito sa braso."Sabi ko na nga ba't di ka immune sa kakisigan niyang si Sean. Sige, ibabalato ko nalang siya sayo. Tutal, siya pa lang naman ang nag-iisang lalaking nakaagaw ng atensyon mo."
"Manahimik ka nga diyan!"sikmat niya.
"Ito naman di ka na mabiro. O sige, makikitulong muna ako sa mga naggagwapuhang staff mo. Hay, ang sarap talagang maging julalay mo. Napapaligidan ako palagi ng mga biyaya ng diyos."
Agad na siya nitong iniwan roon mag-isa. Magtatatlong taon na niyang assistant si Ali, kaya't sanay na ito sa katarayan niya. At sa halip na ma-intimidate ay dadaanin pa siya nito sa biro. Ang pagiging matyaga nitong pakisamahan ang ugali niya ang dahilan kung bakit ito nakatagal ng ganoon sa serbisyo sa kanya. Bukod doon, kahit naman nakakatikim ito madalas ng kasungitan niya, agad din naman siyang bumabawi dito bago matapos ang araw na magkasama sila. Higit pa sa pagiging assistant ang turing niya kay Ali, isa din itong kaibigan. At kahit di niya iyon isatinig, alam niyang ramdam iyon ni Ali. Siya lang talaga iyong tipo ng tao na di na isinasatinig ang damdamin. Para sa kanya, di na kailangang gawing vocal ang nararamdaman, hindi kasi siya magaling sa pagsasalita ng ukol sa damdamin.
Naisipan ni Azinnett na ikonekta sa laptop ang memory ng camera niya upang mas mabistahan niya ng ayos ang mga larawan. Agad na naghanap ang kanyang mga mata sa paligid ng silid na iyon at natagpuan ang kanyang laptop sa ibabaw ng maliit na mesa sa harap ng couch. Kabubukas palang niya sa laptop ng bigla nalang iyong tumiklop. Kasunod ang paglitaw ng kape sa kanyang harapan. Gayundin ang mga take out foods.
"Kanina ka pang nagtatrabaho at ni hindi pa kita nakitang tumikim ng pagkain. You should eat first bago mo ituloy 'yan. Siguro naman, hindi bawal sayo ang kumain."kaswal na saad ni Sean saka inagaw ang kanyang mga gadgets at ipinatong nalang sa kung saan.
Nagulat pa siya nang ito na ang kumilos para ayusin ang pagkain niya dahil hindi siya kumikibo. Maski ang paghinga ay parang ayaw niyang gawin. Baka kasi kapag ginawa niya iyon ay matanto niyang isang ilusyon lang ang lahat.
"Kumain ka na, namumutla ka na o?"
Napapitlig na naman siya ng hawakan nito ang kanyang kamay upang ilagay roon ang kutsara at tinidor. Totoo ang lahat, hindi iyon ilusyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/123928221-288-k444253.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing A Prince Trilogy (COMPLETED Published)
RomanceRepublished. Written by: Gazchela Aerienne Consist of three stories. Book1: You're The Puzzle Of My Heart Book2: Unchain My Heart Book3: Silent Commitment The stories are all came from unedited files so expect the worst grammar. :) Enjoy Reading! H...