Chapter 4

4K 102 0
                                    

"WHAT'S wrong? Kanina ka pang tahimik?" nagtatakang untag ni JD kay Rachel.

Pabalik na ang grupo nila sa lungsod ng mga sandaling iyon, at halos lahat ng mga kasama nila ay mga nakatulog na dahil sa pagod dulot ng activity nila. Tanging sila lang ni JD at ang piloto ang gising.

Nakangiting tiningala niya si JD. "Nothing." matipid na saad niya.

"Hindi yata ako sanay ng tahimik ka. Akala ko pa naman makakabuti sayo ang activity na ito."

"Nakabuti naman talaga." tugon niya. "I just realized one thing."

"Ano? Iyong hindi ka dapat na matakot sa dilim?"

Eto na naman sila, sa paniniwala nitong may achluophobia siya.

"Hindi iyon."

"Eh, ano pala?"

"Akin nalang yun." nakangiting wika niya.

"Nah! Kelan ka pa nagtago ng saloobin sa akin?" Sumimangot ito.

Pinisil naman niya ang ilong nito. "Hindi naman maaaring lahat nalang ng bagay tungkol sa akin, alam mo."

Pinalis nito ang kamay niya at saka umayos ng upo. "Problem?" Ngumiti lang siya. "Come on, tell me." udyok pa nito.

"Wala nga, kulit nito. Gusto kong matulog. Can I use your shoulder as my pillow?"

"Rachel? Anong problema?" balik-tanong nito.

Ikaw! Ikaw, JD ang problema. Ang problema ko, mahal kita. At di ko na alam kung paano ko pa pakikitunguhan itong puso kong baliw na baliw sayo, pero di mo naman magawang pansinin.

"Wala nga. Naninibago na ako sayo ha? Ang bait mo yata sa akin ngayon?" ngumiti pa siya rito at walang paalam na humilig sa balikat nito.

"Kelan ba ako naging salbahe sayo?"

"Tinatanong mo pa? Araw-araw mo kaya akong sinusungitan." Ipinikit na niya ang mga mata. Nararahuyo na siyang matulog dala na din ng pagod sa ginawa nilang activity.

"Pero wala ka namang pakialam kahit masungit ako, di ba?"

"Hmm." Subconciously, isiniksik pa niya ang sarili sa katawan ng binata. Naramdaman din niyang bumalot ang isang braso nito sa kanya. "Ang bango-bango mo naman, JD. I love your scent." Inaantok nang saad niya.

"Just my scent?"

"Everything. I love everything about you." Tuluyan na siyang hinila ng antok.

"TITA Sab, thank you nga po pala doon sa ham quiche na pinadala ninyo sa akin. Ang sarap. The best!"

Kasalukuyang nasa opisina si Rachel at gumagawa ng article patungkol sa recent spelunking activity niya nang maalala niyang hindi pa nga pala siya nakakapagpasalamat sa Mama ni JD dahil sa ipinadala nitong pagkain sa kanya nitong nakaraan. Nakasanayan na niyang palaging pinapadalahan ng ginang ng specialty nito. At sa tuwina ay si JD ang taga abot sa kanya. Ngayon nga'y naisipan niyang tawagan nalang sa telepono si tita Sabrina upang makapagpasalamat.

"Kailan yun, hija? Hindi ko pa ulit naiisipang gumawa ng quiche." nagtatakang saad naman ni tita Sab mula sa kabilang linya.

Maski siya ay naguluhan na din. Kanino pala galing ang quiche na kinain niya habang patungo silang Bislig nitong nakaraan?

"Tita, may memory gap ka na, sign of aging na yan." pagbibiro naman niya.

"Wala talaga akong matandaan tungkol sa tinutukoy mo."

"Yun pong ipinaabot ninyo kay JD nung nag-spelunking kami last week." paglilinaw niya.

"Wala kami sa bahay last week, nasa Zamboanga kami ng tito Rolf mo para bisitahin ang coconut plantation." May nabiling malawak na lupain sa Zamboanga si JD at ginawang coconut plantation upang may mapaglibangan naman ang mga magulang nito.

Chasing A Prince Trilogy (COMPLETED Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon