Chapter 3

4.3K 107 3
                                    

"HELMET, check. Head light, check. Life vest, check. Isa nalang ang kulang. Good luck kiss." nakangising saad ni Rachel kay JD habang ichine-check ang kanyang out fit. Naghahanda na silang lahat na pumasok sa loob ng kweba. Walo hanggang sampo lang ang pwedeng pumasok roon dahil limitado din ang daloy ng oxygen sa loob.

"Rachel, ako nalang ang magbibigay sayo ng goodluck kiss. Garantisadong epektibo." singit naman ni Andrei na lumapit pa sa pwesto nila ni JD.

"Get a life, Thom!" paasik na saad ni JD at kinabig siya palapit. Kung di niya lang kabisadong parati namang nag-aaway ang magpinsan sa maski na ukol pa sa mga walang kakwenta-kwentang bagay ay baka isipin na niyang ipakikipag-agawan siya ni JD sa pinsan nito.

"What's wrong with you, man? Di ba't wala ka namang pakialam kay Rachel? Bakit palagi ka nalang humaharang sa pagitan naming dalawa?"

Gusto yata niyang pukpukin ang ulo nitong si Andrei. Wala na kasi itong ginawa kundi ipagdiinan sa kanya na kahit kailan ay wala naman siyang halaga kay JD.

"Ah, excuse me Andrei. Hindi naman pumapagitna sa atin si JD, sweetheart ko. Siya talaga yung mahal ko. Kaya, gora ka nalang sa malayo sa amin ha?" pagtataboy niya dito. "Tara na, sweetheart."

Niyaya na niya si JD papasok sa loob ng kweba dahil nagsisimula na din namang pumasok ang mga kasama nila. Narinig pa niyang bahagyang nagmura si Andrei at ang sunod na napagbalingan ay si Shay. Ngayo'y nagbabangilngilan na ang dalawa. Parang wala lang kay Shay na si Andrei ang VP for Accounting at ang posibleng maging Presidente ng kompanya kung makipagtalo ito sa binata. Gusto niyang magsisi sa ginagawa niyang pagtrato kay Andrei pero kailangan din niyang gawin iyon dahil di naman niya nais na bigyan ito ng pag-asa.

Nagulat pa siya matapos maramdaman ang mahigpit na pagkabig sa kanya ni JD. Napahinto at napalingon tuloy siya rito.

"Huwag kang matakot, nandito lang ako sa tabi mo. Hindi kita pababayaan."

Lihim siyang napangiwi. Muntik na niyang makalimutan ang dapat na iaarte niya. Dapat nga pala na natatakot siya ngayong papasok na sila roon.

"Oh, yeah." pilit siyang ngumiti rito. Kinakabahan siyang masyado na baka hindi niya magampanan ang role ng isang may achluophobia.

Nakiyakap na din siya sa bewang nito at sumiksik sa katawan nito. Damang-dama niya ang init ng katawan nitong nanunulay patungo sa kanyang mga himaymay, maski pa malamig naman sa loob ng kweba at maging ang tubig na kinalulubugan ng mga paa nila. At di niya mawari kung bakit nanginginig siya. Maybe because this is the first time─in their eight years of being together─that they became this intimate. Kahit naman magkasama sila sa iisang kompanya, bihirang-bihira naman na magkasama sila ng matagal na oras. Magkaiba naman kasi ang tinatrabaho nila. Nagkakaroon lang sila ng pagkakataon na magkasama ng lagpas isang oras kapag may mga event na kailangan nilang daluhan pareho o di kaya ay kapag nalalaman niyang nagbabangayan ito at si Andrei.

"You're shaking. Iba ka palang matakot. Tahimik lang." narining niyang komento ni JD.

"Hindi ako takot." Di na niya napigilang sabihin. Maling-mali talaga na hinahayaan niya itong maniwala sa maling akala.

"All right, sinabi mo eh." saad nito na halata namang hindi naniniwala.

Tumahimik nalang siya at nagmasid sa paligid habang naglalakbay sila sa loob. Wala na din namang silbi kahit aminin pa niya dito ang totoo, dahil ayaw din naman siya nitong paniwalaan. At paano siya nitong paniniwalaan kung sa una palang ay di na siya nag-effort na magsabi ng totoo.

Sa kakalingon niya sa paligid dahil gandang-ganda siya sa mga virgin stones at mga column ng stalactites at stalagmites ay bigla nalang siyang lumubog sa malalim na parteng natuntungan. Mabuti nalang at nakakapit siya kay JD. Subalit mukhang hindi naman nito napaghandaan ang nangyari kaya't magkasama silang napunta na malalim na parte. Napatili siya sa pagkagulat, hindi naman sila lulubog ng husto dahil may mga life vest sila pero nagpanic pa din siya kahit papaano.

Chasing A Prince Trilogy (COMPLETED Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon