Chapter 7

4.7K 105 2
                                    

"WALA po akong boyfriend na ihaharap sa inyo, Mama. Gusto ko lang makalayo kay Arkchad kaya ko sinabi sa kanya 'yun."

"Ano pa bang hinahanap mo sa kanya, anak? He's a handsome internet millionaire na lahat ay gagawin, tapunan mo lang siya ng pansin. Mabait na bata si Arkchad, hija. Kung palalagpasin mo pa ang isang tulad niya, baka hindi ka na─"

"Ma!"pigil niya sa tangkang paglilitanya na naman ng kanyang ina habang kausap ito sa cellphone. Nandoon sila ni Sean sa labas ng emergency room at hinihintay ang resulta ng pagsusuri ng doctor kay Keith ng bigla namang tumawag ang Mama niya para lang sermonan siya. At nagsumbong na pala sa mga ito ang napakakulit na si Arkchad. Bakit ba inuulan yata siya ng sankaterbang alalahanin ngayon?"Wala po akong pakialam kung siya pa ang may-ari ng planetang ginagalawan natin ngayon o siya ang pinakaperpektong nilalang na nabubuhay sa daigdig. Basta ayoko sa kanya, Mama. Hindi po ba ako pwedeng tumanggi kung ayaw ko?"He's not my type!

At sinong gusto mong babae ka? Ang bruhong nasa tabi mong yan?

"Nag-aalala lang kami sayo, puro ka na trabaho. Paano kapag nawala na kami sa mundo? Sinong mag-aalaga sayo?"

Napabuntong-hininga siya. Nauunawaan naman niya ang pag-aalala ng mga ito sa kanya. Nag-iisa siyang babae sa pamilya. Ang iba niyang kapatid ay madali ng makakadiskarte sa hinaharap dahil lalaki naman ang mga iyon, hindi mahirap ang maghanap ng mapapangasawa. Samantalang siya, di na lingid sa mga ito na di naman siya nagpaplano para sa future niya. O mas tamang sabihing wala naman siyang kaplano-planong mag-settle down─tulad ng kuya JD niya. Busy silang magkapatid sa pagpapayaman. Ngayong nasa mataas na estado na ang kanilang pamumuhay ay wala pa din sa hinagap nila ang huminto.

"Matagal pa pong mangyayari yan, Ma. You're strong and healthy as well as Papa. Kaya di kayo dapat nagpapanic na wala akong makakasama sa─"

Lumabas ang doctor mula sa emergency room."I'll call you back later, may aasikasuhin lang po ako. I love you, Mama."Agad na pinutol niya ang pakikipag-usap sa ina at dinaluhong ang doctor.

"Kamusta po siya, doc?"tanong niya sa kalalabas lang na doktor.

"Kayo ba ang mga kamag-anak ng pasyente?"

"Mga kasama niya po kami."Nilingon niya si Sean na tahimik na ding lumapit sa kanila ng doktor.

The doctor sighed in frustration."I'm sorry to say this but, he had broken bones in his left arm and even in his right rib. Sanhi iyon ng matinding pagkakabugbog sa kanya. Kailangan niyang ma-admit dito ng siguro mga isa o dalawang buwan, depende sa recovery ng mga butong nabali."

"I-Isang buwan? Nagbibiro ba kayo doc? Hindi siya maaring maospital ng ganoon katagal."Nag-aalala at gusto ng maiyak ni Azinnett dahil sa narinig. Anong gagawin niya? Paano na ang pictorial nila sa lunes?

"I'm sorry, pero iyon ang kailangan. Sa tingin ko, masyadong malakas ang nakaaway niya kaya't ganoon ang naging pinsala."

Napalingon siya sa kinaroroonan ni Sean. Ito naman ay painosenteng nagmamasid sa paligid. Gusto niya tuloy itong daluhungin at kuwelyuhan. Ito naman kasi ang may kasalanan ng lahat."I have to go, hija. Madami pa akong aasikasuhing mga pasyente."

Tumango lang siya sa doktor bago ito umalis. Nababalisa namang naupo siya sa isang waiting bench roon at inihilamos ang dalawang kamay sa mukha.

"Letse! Pwede bang mag-transfer nalang ako sa Mars?"mahinang saad niya na halos sarili nalang ang kinakausap.

Naramdaman nalang niya na may humahagod sa likuran niya."I'm sorry. Kasalanan ko."mahinang saad ni Sean.

Nilingon niya ito. "Buti naman alam mo. Kasalanan mo talaga. Ang dami-dami ko na ngang iniisip, dinagdagan mo pa!"pasikmat na saad niya.

Chasing A Prince Trilogy (COMPLETED Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon