Chapter 10-Finale

9.1K 216 27
                                    

"SIGURADO ka bang gusto mo itong gawin, Rachel?"

Kasalukuyan ng nag-aayos ng gamit niya sa opisina si Rachel habang di naman magkamayaw sa pagtatanong ang kaibigan niyang si Azinnett. Nandoon din si Jennifer at kinaray-karay ng una dahil sa biglaang pagre-resign niya sa Serania Media. Iniisip marahil ng dalawa na magagawa ng mga itong papagbaguhin ang isip niya kung pagtutulungan siyang kumbinsihin ng mga ito.

"I'm one hundred percent sure, I want to do this." saad naman niya.

"Pero hindi pa naaaprobahan ni kuya ang resignation mo."

"Wala din naman akong kontrata sa kompanya. So then, it's day light clear that I can leave the company anytime I wanted to. And no one can ever get a hold of me."

"Maski si JD?" singit tanong ni Jennifer.

Nahinto siya sa pagsasalansan ng mga gamit sa kahon. "Yes, maski si JD." Kalmanteng tugon niya. Subalit ang totoo ay gusto na talagang magwala ng puso niya. He always has that effect on her. Marinig lang niya ang pangalan ng binata ay di na magkamayaw ang dibdib niya. And she hates it, she hates that she can't escape from that truth. Kaya nga nais na niyang lumayo. Dahil kung mananatili siya sa lugar kung saan naroroon din ito ay baka tuluyan na siyang mapulbos.

"Anong nangyari? Sino ka? Anong ginawa mo kay Rachel? Nasaan na ang kaibigan namin?" paeksaheradong tanong sa kanya ng kaibigang si Jennifer.

Malungkot na ngumiti lang siya.

"It's not you. Nasaan na ang malakas na fighting spirit ng astig at maingay naming kaibigan?" tanong naman ni Azinnett.

"Mga luka-luka!" Pinilit niyang pasiglahin ang boses. "Kailangan nalang talaga ako sa family business namin. After what had happened to my dad, I couldn't imagine na mauulit muli iyon. Kaya better kung magtrabaho na din ako sa negosyo namin para naman ma-lessen ang work loads ni Daddy."

"That alibi was thin. Alam nating lahat na suportado ka ng buong pamilya ninyo sa kung anumang gusto mong gawin. And for your dad's work loads issue, kayang-kaya iyong gawan ng paraan ng mga kapatid mo."

Hindi siya nagsalita. Tama naman kasi si Azinnett. Kailanman ay di siya pipilitin ng pamilya na pumasok sa negosyo nila kung hindi siya buong loob at kusang papasok roon.

"What's the real problem, friend?"

Hinagip siya ni Jennifer upang paupuin sa couch na naroroon sa opisina niya.

She sighed."Gusto ko nang magbagong buhay. I want to move on."

"Hindi ka naman criminal kaya wala kang dapat na baguhin sa buhay mo."sambit ni Azinnett.

Tinapunan niya ito ng masamang tingin. "You two, you know what I mean."

"So, it's JD himself, right?"

"Precisely."

Magsasalita pa sana ang mga ito nang bigla namang pabalagbag na bumukas ang pinto ng silid na iyon at iniluwa ang madilim na mukha ni JD.

"Ladies, can you leave Rachel and I alone?" saad nito sa dalawa niyang kaibigan.

Tumango ang dalawa at lumabas ng opisina. Siya naman ay dumeretso na muli sa pagsasalansan ng mga gamit niya.

"What is this all about Rachel? Bakit magre-resign ka?"

Marahas na ibinagsak ni JD ang isang papel sa ibabaw ng kanyang mesa. Surely, it was her resignation letter that she leaves on his table this morning.

Chasing A Prince Trilogy (COMPLETED Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon