NGUMITI MUNA si Rachel ng ubod-tamis kay JD bago nagpatuloy sa sasabihin. "Pwede ka bang sumama sa amin na mag-spelunking sa Bislig?"
Ang spelunking ang isa sa mga latest activity na ife-feature nila sa CG para sa sports section nila na pinangalanan nilang E&E o Explore and Experience. Wala silang available writer kaya wala siyang choice kundi gawin ang project.
"Bakit naman ako sasamang mag-spelunking? Trabaho mo iyan, dapat lang na ikaw ang tumapos niyan."
"Eh kasi, first time kong papasok sa kwebang madilim tapos mga lalaki pa ang mga kasama ko. Si Shay lang ang babae kung babae ngang maituturing iyon." Bisexual si Shay na isa sa staff na kasama nilang mag-i-spelunking. "Paano na ang puri ko kapag sinaniban ang mga iyon ng mga masasamang espirito na nananahan sa loob ng kweba?"
Nanahimik si JD. Mukhang pinag-iisipan din nito ang mga sinasabi niya. Mababait naman ang mga staff na makakasama niya. Pero siyempre, kailangan niyang mag-drama para mapasunod ito. Unang beses siyang sasabak sa pag-eexplore sa likas na yaman ng bansa at nais niyang sa lahat ng bagay na sinusubukan niyang pasukin ay kaugnay si JD.
"Lalaki din ako. Bakit ako ang niyayaya mo?" pagkuway saad nito.
"Alam ko naman na wala kang pagnanasa sa akin kaya nakakasigurado akong safe ako kapag kasama ka. Kaya sige na, sumama ka na. Isa pa, kung ikaw naman ang gagahasa sa akin, okay lang, di ako sisigaw."
Sinundan niya iyon ng halakhak ng mapansing napanganga si JD sa mga pinagsasasabi niya. Sana'y na siya sa ganoong mga reaksyon nito. Tinatablan din naman siya ng hiya sa kanyang pagiging deretso, kaya upang di naman maging awkward ang mga sandali sa pagitan nila ay idinadaan niya sa biro ang pagtatapat niya ng damdamin.
"Shut up!" asik nito sa kanya matapos nitong makabawi. "Hindi ako sasama. Mukhang ang puri ko ang nanganganib kapag sumama ako." seryosong saad nito.
Napangiti siya, napakagwapo talaga nito. Maski nakasimangot ito at halos mag-isang linya nalang ang mga kilay nito ay gwapo pa din ito sa paningin niya.
'Hay! Ang gandang lalaki mo talaga mahal. Gusto na kitang halayin sa isip ko. Huwag kang sumimangot, lalo mo lang akong napapaibig, aking prinsipe.'
"Ang arte mo naman!" pagkuway saad niya. "Kailangan ko lang talaga ng kasamang mapapagkatiwalaan. Alam mo kasi, takot akong sumabak mag-spelunking. Madilim sa mga kweba, paano kung lumindol? O kaya biglang umulan at tumaas ang tubig, baka malunod kami sa loob ng kweba. O kaya─"
"Magtapat ka nga sa akin, Rachel Mae Alejandro. May achluophobia ka ba?" putol nito sa paglilitanya niya.
"H-Ha?"
"Ganyan ang epekto kay Azi ng dilim dahil may achluophobia siya. Kung anu-anong naiisip nun kapag madilim hanggang sa mag-freak out na siya."
"Ah..." Anong sasabihin niya? Wala naman siyang ganoong phobia. Kung anu-ano nalang naman ang sinasabi niyang alibi rito para samahan siya nito sa proyektong iyon. "Eh kasi... Hahanap nalang nga ako ng gagawa ng project na yan. Makikipagpalit ako sa mga writers natin." nakasimangot na saad niya. Mukhang mahuhuli pa siya nito na nag-aalibi lang kung magpipilit na kumbinsihin itong samahan siya.
"The best ang spelunking para sa mga may claustrophobia at achluophobia. Ginawa na yan minsan ni Azi. So, you better deal with it."
"Pero─"
"Kung nalaman ko ng mas maaga ang kondisyon mo na yan, sana pinasama na kita kay Azi noon. Teka, bakit nga ba hindi ko agad nalaman yan?"
'Eh kasi, wala naman talaga akong achluophobia. Bakit ba bigla mong naisip yan?'
BINABASA MO ANG
Chasing A Prince Trilogy (COMPLETED Published)
RomanceRepublished. Written by: Gazchela Aerienne Consist of three stories. Book1: You're The Puzzle Of My Heart Book2: Unchain My Heart Book3: Silent Commitment The stories are all came from unedited files so expect the worst grammar. :) Enjoy Reading! H...