"COWARD! You're definitely morose way back then and yet you're afraid with that crazy fiction?"pang-aasar ni Sean kay Azinnett matapos niyang kumawala rito.
"Nananakot ka kasi."angil niya.
"So, you're really afraid with fictions, huh? They don't exist in real world. Nasa isip lang yun ng tao. Dahil masyadong malawak ang imagination ng human, inaakala nila na totoong lumalabas ang mga di-ordinaryong bagay. Nabubulag na sila sa mga pwedeng explanation sa lahat."
'Hmm. Mukhang iba talaga ang paniniwala ng mga taong nag-aaral ng agham.'
"Bahala ka! Basta ayokong makakita ng multo, kaya pwede ba─"
"Ang tanda mo na, naniniwala ka pa sa multo?"putol nito sa sinasabi niya.
"Hanapin mo na ang susi para makalabas na tayo."patuloy niya sa naudlot na sinasabi.
"Tumulong kang maghanap."
"Tutulong na nga. Huwag kang aalis sa tabi ko, ha?"
"Bakit?"
'Para kapag may lumabas na multo, yayakapin ulit kita.'
"Basta huwag kang umalis. Natatakot ako eh."
Tumawa na naman si Sean."Coward."
"What ever."'Kahit tawagin mo pa akong baliw, ayos lang, basta nandito ka sa tabi ko.'
Nakitulong na din siya sa paghahanap ng susi sa drawer. Nang biglang may bumagsak na kung ano sa isang bahagi ng library.
"Ano yun?"nagulat ding tanong ni Sean. Napatili na naman siya at agad na kumapit kay Sean.
"Umalis na tayo dito. Gusto ko ng umalis, baka mag-break down lang ako kung di pa tayo aalis ngayon."haltak-haltak niya ang braso nito habang dumidikit ng husto. Di na niya gaanong napansin na pangisi-ngisi ito. Nang di pa din ito magsalita ay yumakap na siya ng husto rito."I can be your slave for the whole week, mag-isip ka lang ng paraan para makalabas na tayo kaagad."
Hindi niya alam kung ano ang nangyari at bigla nalang niyang naramdaman na gumaganti ng yakap si Sean sa kanya. Siguro ay napansin nitong totoong natatakot na siya.
"Huwag ka ng matakot. Ako 'yung bumato kaya may nalaglag na libro."pag-amin nito.
Lumagabog ang kamay niya sa dibdib nito.
"Ouch! Why did you do that?"
NAGULANTANG talaga si Sean ng bigla nalang siyang dibdiban ng mataray pero duwag namang babae na kasama niyang na-lock sa loob ng library. Natatandaan niyang ito ang babaeng pinagbigyan niya ng digicam dahil natabig niya ang pagmamay-ari nito. Madalas din niya itong mahuling nakatingin sa kanya kapag nagtatagpo ang mga landas nila. Pero di na niya ito binibigyan ng pansin, tulad din ito ng ibang mga babae sa campus na kapag nakakita ng gwapo ay agad na nahuhumaling.
Kung kanina'y naiinis siya rito dahil ni hindi ito natinag sa pag-uutos niya─gayong nasanay siyang lahat ng tao sa paligid niya, lalo na kung babae ay agad na sumusunod sa sasabihin niya─ngayon naman ay naaaliw na siyang sindakin ang dalagita. Sinubukan lang naman niyang pagkatuwaang takutin ito ng makaganti naman siya sa pagka-asar rito, pero akalain ba naman niyang sobra pala ang pagkaduwag nito. Kaya't mas pinag-igi nalang niya ang pananakot. Subalit matapos niyang maramdaman na kakaiba na ang panginginig nito ay nagdalang-habag na din siya. Niyakap nalang niya ito sanhi ng kawalang maisip na paraan upang pakalmahin ito.
At kailan pa siya nawalan ng maiisip na paraan para sa isang bagay o sitwasyon? He's one of the geek in this school. Hindi yata katanggap-tanggap na bigla siyang maba-blangko.
BINABASA MO ANG
Chasing A Prince Trilogy (COMPLETED Published)
RomanceRepublished. Written by: Gazchela Aerienne Consist of three stories. Book1: You're The Puzzle Of My Heart Book2: Unchain My Heart Book3: Silent Commitment The stories are all came from unedited files so expect the worst grammar. :) Enjoy Reading! H...