SA MGA nagdaang araw ay halos di sila nagpapangita ni JD dahil madami din itong inaasikaso. Si Rachel naman ay madalas mag-over time dahil may mga nira-rush silang trabaho. Ilang beses din na pinagbigyan niyang ihatid siya ni Andrei pauwi dahil bukod sa napakakulit noon ay pagod din naman siya sa buong maghapon at wala ng enerhiya para makipagtalo kung kaya't umo-oo nalang siya. Sira din naman ang kotse niya at nasa talyer pa, nakaka-stress din naman ang mag-commute. Besides, wala naman iyong ibang ibigsabihin sa kanya. At ngayo'y ipinagtataka niyang alam nito ang tungkol doon. Palagi itong wala sa opisina sa ganoong oras kaya kataka-takang alam nito ang bagay na iyon.
"Paanong hindi ko malalaman, nakikita ko kayo?" Walang emosyong tugon ni JD sa tanong ni Rachel.
"Nakikita mo kami? Paano? Lagi ka namang wala ah? May mata ka dito sa loob ng kompanya?" naguguluhan pa din niyang tanong dito.
"A-Ano..." parang bigla itong naubusan ng sasabihin. "Bumabalik ako dito matapos ang mga schedule ko araw-araw para i-check kung ano ang natapos na trabaho ninyo para sa buong araw. At nakikita kitang sumasakay ng kotse ni Andrei. Nasaan ba ang kotse mo?"
"Nasa talyer. Hmmm." Napangisi siya. Nagseselos ba ito? Ano kaya kung papagselosin nga niya ito ng sobra-sobra. Titingnan lang niya kung eepekto ang gagawin niya. "Oo. Inihahatid nga niya ako. Ano naman sayo?" pinagtaasan pa niya ito ng kilay saka humalukipkip sa harapan nito.
"Akala ko ba, ayaw mo sa kanya?" naiirita nang tanong nito.
"Parang okay naman siya eh. Sinusubukan ko lang kung hanggang saan ang tatag niya. At huwag mo siyang masira-siraan sa akin. Alam kong galit ka sa pinsan mo, pero di ko kakagatin ang magiging paninira mo sa kanya." Lumabi pa siya rito.
"Aba't!" nagpupuyos ang dibdib na sikmat nito sa kanya. "Sisiraan? Matagal ng sira ang isang iyon. At ano namang pakialam ko sa kanya? Hayzt! O ayan!" yamot na iniabot nito ang bag niya sa kanya. "Bahala ka ng umuwi mag-isa. O kaya, magpahatid ka nalang sa ugok na Andrei na iyon."
Saka ito naglakad palabas ng kanyang opisina. Napangiwi nalang siya. Bakit nga ba naisip-isip pa niya na posibleng magselos si JD? Hindi naman siya nito gusto. Nag-level up na naman ang kanyang pagpapantasya at nakalimutan niya ang katotohanang iyon. Ngayo'y mukhang panibagong alalahanin na naman ang kanyang kakaharapin. Mukhang nairita talaga sa kanya si JD dahil basta nalang siya nitong iniwan roon. Malamang na hindi na naman siya nito kikibuin sa susunod na araw.
Bumalik siya sa kanyang mesa at saka pinagtuunan ng pansin ang kape na dala sa kanya ni JD. Bukas nalang niya ito susuyuin ng ayos. Pagod na din naman siya sa maghapong trabaho. Inuubos nalang niya ang kanyang kape ng muling bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa ang malaking bulto ni JD. Walang pasabing inagaw nito ang hawak niyang plastic cup ng kape, ibinaba iyon sa mesa at hinila siya patayo.
"Talagang di ka sumunod sa akin eh 'no?" yamot na saad nito at sinamsam ang bag niya. "Balak mo talagang magpahatid sa Andrei na yun? Mamaya pa siya uuwi dahil madami pa siyang inaasikaso sa accounting. Ako na ang maghahatid sayo!"
Napatunganga nalang siya rito. What was with this man? Akala ba niya ay umalis na ito? And to think na kasasabi lang nitong wala daw itong pakialam sa kanya, bakit ngayo'y kinakaladkad na siya nitong palabas ng opisina? Nagprisinta pang ihatid siya pauwi. Naguguluhan siyang talaga sa iniaasta nito. Di nalang siya nagtanong. Baka kasi magbago na naman ang isip nito. Nanahimik nalang siya habang binabaybay nila ang daan pauwi.
"Salamat." sabi niya nang ihinto nito ang kotse sa tapat ng gate ng bahay nila.
Kabababa lang niya nang humarang sa daraanan niya si JD. Hinila siya nito patungo sa may likuran ng kotse nito. "Can you stay for awhile?"
![](https://img.wattpad.com/cover/123928221-288-k444253.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing A Prince Trilogy (COMPLETED Published)
RomanceRepublished. Written by: Gazchela Aerienne Consist of three stories. Book1: You're The Puzzle Of My Heart Book2: Unchain My Heart Book3: Silent Commitment The stories are all came from unedited files so expect the worst grammar. :) Enjoy Reading! H...