Chapter 7

4.5K 110 1
                                    

"SA dinami-rami naman ng mga event na nadaluhan na natin, yung prom pa ang naalala mo."

Ang mga salitang iyon ni JD ang nagpabalik kay Rachel sa kasalukuyan, mula sa pagre-reminisce niya sa nakaraan.

"Di ba't iyon nga ang pinakapanget na sayaw na naranasan mo? Na-sprain pa ang paa mo noon."

"Hoy, hindi ah." tanggi niya. "Maski puro disaster ang pinagdaanan ko nung gabing iyon, iyon pa din ang pinaka-romantic dance na naranasan ko. Under the moon and the stars. Tulad ngayon, we're here, under the moon and the stars." nakangiting saad niya.

"Baka nakakalimutan mong madami ng pagkakataon na sumayaw tayo sa ilalim ng liwanag ng buwan at ng mga stars." paalala naman ni JD. "Di ba't last month lang, um-attend tayo ng socialite birthday party ng may-ari ng Wilson Shoes Unlimited? Sa open balcony ginanap ang dance party, di ba?"

"Oo nga. Pero... basta! Ang first dance natin nung prom night ang pinaka-unforgettable para sa akin."

'Iyon kasi ang una't huling beses na tinawag mo akong 'my princess'.'

Pakiramdam niya, noong gabing iyon ay naging pag-aari nila ang isa't-isa maski sa maikling sandali lamang. He became her prince and she became his princess. Paanong malilimutan pa niya ang gabing iyon?

"Bahala ka. Trip mo iyan, eh."

"Bahala talaga ako." Nakangusong saad naman niya.

Narinig niyang tumawa si JD kung kaya't napalingon siya rito.

"JD."

"O?"

"Bakit di mo ako sinisingil sa mga ginagawa mo para sa akin?"

"Ano bang mga ginawa ko para sayo na dapat kong singilin?"

"Yung nangyari nung Prom at yung pagtatanggol mo sa akin kapag may mga nagtatangkang mambastos sa akin nung college tayo. Ang bait-bait mo sa akin pero di mo naman ako sinisingil sa kabaitan mong iyon."

"Mabait ba ako?" nangunot ang noo nito. "Sabi mo, salbahe ako."

"Suplado ka lang minsan, pero mabait ka din talaga." Humilig pa siya sa balikat nito. "So, bakit nga di ka humihiling ng kapalit sa mga ginagawa mo para sa akin?"

"Bakit pa? Tinutulungan mo din naman akong maitaboy ang mga babaeng istorbo sa pagpapayaman ko. Kaya patas lang tayo." Umakbay ito sa kanya. "Ginagawan natin ng pabor ang isa't-isa."

'Ginagawan natin ng pabor ang isa't-isa.' Masakit yata sa pandinig niya ang mga salitang iyon. Kaya lang ay wala naman siyang magagawa kundi tanggapin nalang ang katotohanang iyon.

"Rachel."

"Hmmm?" Ang sarap naman sa pandinig niya kapag tinatawag siya nito sa pangalan niya. At bakit parang ang lambing pa ng tono nito ngayon?

"Wala ka bang planong mag-settle down? I mean, palagi ka din lang namang mag-isa diyan sa bahay ninyo, ayaw mo bang bumuo ng pamilya katulad ng ate at kuya mo?"

Napaunat siya sa pagkakaupo. Nahimigan niya kasing kakaiba ang tono ni JD. Matagal ng seryosong tao ang binata, pero ngayon niya lang ito narinig na ganoon kaseryoso. Bukod doon, patungkol pa sa kanya ang inuusisa nito gayong ni minsan ay di ito nagtanong ng ukol sa plano niya sa hinaharap.

"Meron naman. Pero hindi pa siguro ngayon."

Pero kung yayayain mo na akong magpakasal ngayon, kahit mismong dito sa kinauupuan ko, magpapakasal na ako sayo.

Chasing A Prince Trilogy (COMPLETED Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon