Chapter 4

7.8K 139 3
                                    

"'OY, JENNY, bonding naman tayo minsan. Nami-miss ko na kayo ni Azi. Lalo ka na. Nag-Japan ka palang bruha ka," pukaw ni Rachel kay Jennifer. Tapos na ang meeting at kasalukuyan na nilang binabantayan ang mga pamangkin nilang naglalaro sa playground.

"Paano mo nalaman 'yan? Hindi pa naman ako nagkukuwento sa 'yo, 'di ba?" nagtatakang tanong niya sa kaibigan.

"Kay Azi. Nanggaling kasi ako sa kanila noong minsang dalawin ko ang Kuya JD niya. Alam mo namang ultimate crush ko 'yon..." Sandali itong natahimik at nang malingunan niya ito ay napansin niyang tila kilig na kilig ang hitsura nito sa kung ano man ang iniisip nito.

Umayos ito ng upo nang mapansin nitong nakatingin siya rito. Hanggang ngayon pala ay patay na patay pa rin ito sa kapatid ng kaibigan nilang si Azinnett. Professional photographer na ngayon si Azinnett at panay ang lipad nito sa iba't ibang bansa para sa mga photo exhibit nito. Kapag nasa Pilipinas ito ay nakikipagkita siya rito para may makasama siya sa paglalakwatsa. At dahil isa ring dakilang lakwatsera si Azinnett ay hindi ito mahirap yayain. Malamang na kaya hindi binabanggit ni Azinnett ang tungkol kay Rachel ay dahil alam ng una na ayaw niyang napag-uusapan ang kahit na sino na may kinalaman kay Ryan. Pero inaamin niya na nangungulila siya kapag naaalala niya ang dati nilang samahang magkakaibigan. Na-miss niya si Rachel at ang kanilang mga kapraningan.

"Magkasama kami ni JD sa trabaho. Boss ko siya sa media company ng pamilya nila," maluwang ang ngiting pagkukuwento nito. "Masuwerte naman ako at naabutan ko rin si Azi sa bahay nila at napagkuwentuhan ka namin. Ikaw naman kasi, na-brokenhearted ka lang sa pinsan ko, pinutol mo na rin ang communication natin."

"Alam mo naman na gusto ko lang makapag-move on nang mabilis nang mga panahong iyon. It was like I lost my sanity back then." Gusto ko lang buuin ang puso kong nawasak.

"Nagtagumpay ka ba sa pagmo-move on churva mo na 'yan?" tanong sa kanya ni Rachel.

"Well..." She sighed. Nakakahiya naman yata kung sasabihin niyang hindi pa. Kahit paano naman kasi ay nagawa rin niyang hindi isipin si Ryan. Subalit ang mga alaala nito ay may iniwang marka sa kanyang puso. At tuwing dadamahin niya ang dibdib ay aminado siyang nakakaramdam pa rin siya ng mumunting kirot doon. And who could blame her? Ryan was her first love and her first heart break. Normal lang siguro na makadama siya nang ganoon, hindi ba? At normal lang din na nag-iwan ito ng marka sa puso niya.

"I am on my way to doing that. Actually, nakalimutan ko na talaga ang mga nangyari noon. Pero dahil ang pagkalimot ko ay hindi katulad ng nagkaroon ako ng selective amnesia sa mga nangyari noon, at ngayo'y napag-uusapan natin siya, natural na maalala ko rin, hindi ba? But there are no hard feelings on my part."

"Really?!" eksaheradang bulalas ni Rachel, at parang nais niya itong batukan. Alam niyang nababasa nito kung ano talaga ang totoong nararamdam niya at sigurado siya na hindi niya ito basta-basta mapapaniwala sa ganoong alibi. "Sige nga, may ipapagawa ako sa 'yo para makasiguro tayo."

"Ano naman 'yon?"

"Akin na ang cell phone mo." Walang paalam na kinuha nito ang bag niya at kinuha mula roon ang cell phone niya. Nagpipindot ito ng kung ano-ano roon. "Hayan, is-in-ave ko diyan ang number ko at ni Ryan. Nagpa-missed call na rin ako sa kanya gamit ang cell phone mo. Pero sigurado akong busy 'yon ngayon kaya mamayang gabi ka pa niya uuriratin sa ginawa mong pagmi-missed call."

"Teka, bakit mo ginawa 'yon?" nagtatakang tanong niya rito.

"'Just wanted to make sure you really don't have any feelings for him and that you can deal with him."

Chasing A Prince Trilogy (COMPLETED Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon