Chapter 5

5K 111 1
                                    

DAHAN-DAHAN ang ginawa ni Azinnett na pagtingala upang mabistahan ang lalaking kanyang nakabungguan. At hindi siya nagkamali, may mga detalye man na nagbago sa mukha at pangangatawan nito dulot ng walong taong lumipas ay nakasisigurado pa din siyang ito ang mukhang kailanman ay di niya nalimot. At upang makasigurado ay tinangka niyang hawakan ang mukha ng matangkad na lalaki. Subalit dahil may kakambal yata siyang kamalasan ay may kung sinong sumagi sa kanya. Naduldol tuloy sa mukha nito ang isang kamay niya na may hawak pa na chocolate cake.

"Oh my God!"bulalas niya matapos makitang nadikitan din ng icing ang pisngi nito. Ginamit niya ang isang palad upang maalis iyon subalit lalo lang kumalat.

She stopped wiping his face when he suddenly grab her one hand and face with this angry but a stunningly handsome man she'd ever saw in her whole life. Magpapatuloy pa sana siya sa pagpapantasya kung di lang niya nakita ang galit at iritasyon sa mga mata nito. Hindi ba siya nito nakikilala? Sabagay, sino ba naman siya para maalala pa nito? Ang mas dapat niyang gawin ay ang makawala rito. Dahil sa nakikita niya ngayon, parang nais na siya nitong tirisin dahil sa mga nangyaring iyon. Binigla niyang haklitin ang kanyang kamay mula rito. Madali naman siyang nakawala dahil mukhang di nito inaasahan ang ginawa niya.

"I have a wet tissue here. We can clean up your face with this."

Inabutan niya ito ng wet wipes upang malinis nito ang sarili. Basta nalang din niya inihagis sa nasa malapit na basurahan ang hawak na chocolate cake. Hindi pa din kumikilos ang lalaki, kaya naman nagkusa na siyang punasan ang mukha nito. Pero bago pa makarating sa destinasyon ang kamay niya ay narinig na niyang nagsalita itong muli.

"Do you know how much this jacket could cost?"mariing tanong nito.

At matapos niyang matunghayan ang nagngangalit nitong mga mata ay nakadama siya ng panganib. Her instinct was to ran, and she did. She runs as fast as she could. Naramdaman niyang sumusunod ito sa kanya kung kaya't mas binilisan pa niya ang pagtakbo. Nakarinig din siya ng tumatawag kaya't nagpalinga-linga siya. Pamilyar sa kanya ang boses ng tumatawag. Nahagip nga ng kanyang mga paningin ang mga kaibigang nakaupo sa waiting bench roon. Agad na dinaluhong niya ang mga ito at kinaladkad papasok sa department store na nasa tapat lang ng kinaroroonan ng mga ito.

Nahagip ng mga paningin niya na pumasok rin ng department store si Sean kaya't hinila niya paupo ang dalawa nina Jennifer at Rachel upang makapagtago sa mga naka-hanger na damit roon.

"Ano bang nangyayari?"nagtatakang tanong ng mga ito.

"Ssshhh... wag kayong maingay."saway niya sa mga ito.

"Bakit ba? May huma-hunting ba sayo?"

"Oo."

Ang akmang pagtayo ni Rachel ay agad na napigilan ni Azinnett.

"Sinong huma-hunting sayo? Tara, magsumbong tayo sa pulis."

"H-Hindi na kailangan."Nalilitong sagot niya.

Ano naman ang sasabihin nila sa mga pulis gayong siya pa nga yata ang mairereklamo sa nagawa niya? Sa di maipaliwanag na dahilan ay natakot siyang bigla sa galit na mga mata ni Sean na nakatitig sa kanya. O pwede din naman na di niya alam kung paano ito haharapin. Hindi niya mawari, pero pakiramdam niya ay nanganganib siya sa mga titig nito. Hindi literal na panganib na maaaring masaktan siya, physically. But her heart, her heart was definitely in danger.Dahil si Sean ang pinakamapanganib na banta sa kanyang puso. Kung noong mga panahon nga na wala ito sa paligid niya ay nasasaktan siyang maalala ito dahil sa pangungulila rito, ngayon pa kaya, na halos di na yata siya nito naaalala?

Alam niya na madami ng nagbago, at di siya kasama sa pagbabago sa buhay nito. Dahil noon pa man ay isinuko na niya ang pag-ibig na mayroon siya para dito. Hinayaan na niya ito sa bagong buhay na kinaharap nito na di siya konektado. Ang kaso nga lang, hindi naman niya ito nagawang kalimutan minsan man sa walong taon na nagdaan. Di naman kasi ibigsabihin na porket isinuko na niya ito ay hihinto na din ang puso niya sa pag-ibig rito. Subconsciously, umaasa pa din ang puso niya na isang araw ay gagawa ang kapalaran na magtagpo ang mga landas nila. Nakadagdag sa kanyang antisipasyon ang mga pinagsasabi ng isang psychic sa kanya. Na may magbabalik daw sa kanyang buhay. Ang lalaking minamahal niya, isang gray-eyed man.

Chasing A Prince Trilogy (COMPLETED Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon