CHAPTER 5
TAHIMIK na naglalakad sina Rachel at Jennifer sa mall. Napagkasunduan nilang tatlong magkakaibigan na magkita-kita ulit para naman makapag-bonding. Mag-iisang buwan na kasi magmula noong huli silang magkita-kita.
"Ang tahimik mo yata, Rachel? Anong nangyari sayo?" untag ni Jennifer sa pananahimik niya. Hindi naman kasi ito sanay na ganoon siya. Dapat, ngayon pa lang ay nagkukumahog na siyang hilahin ito sa kung saan-saan. O kaya ay subukan ang mga free items na inio-offer ng mall.
"Ikaw din, ang tahimik mo. Anong nangyari sayo?" balik-tanong niya rito. Napansin kasi niyang wala rin ang sigla nito.
"Ako ang naunang nagtanong, mauna kang sumagot."
Bumuntong-hininga siya. Ilang araw na ang dumaan nung huli silang mag-usap ni JD. Akala niya'y nakalusot na siya sa pagsisinungaling rito, subalit hindi pala. Di na siya muling kinausap ni JD. Pakiramdam pa nga niya'y umiiwas talaga ito sa kanya. Sa tuwing magtatangka siyang kausapin ito ay bigla nalang itong iiwas at sasabihing may aasikasuhing importante. Pero nadadama naman niyang ayaw lang talaga siya nitong makausap. Iniisip marahil nito na gagawa na naman siya ng kasinungalingan. At di na yata siya makakatagal na ganoon ang nangyayari. Mabigat sa kanyang dibdib na iniiwasan na siya ng lalaking mahal niya. Kung noon nga na wala siyang nagagawang kasalanan dito ay hirap na hirap na siyang magpapansin sa binata, ngayon pa kaya na nagsinungaling siya rito?
Hinila siya ni Jennifer patungo sa isang bench. "Anong nangyari?" tanong nito kaagad matapos nilang maupo.
"May malaki akong problema."
"Ano? Nakapatay ka?"
Hinampas niya ang kaibigan sa balikat. "Exag ka naman!"
"Sabi mo kasi may malaki kang problema?"
"Oo nga, pero hindi naman ganoon kalaki."
"Eh, ano nga iyong problema mo? Tagal ha?"
"Galit sa akin si JD ko."
Umawang ang bibig nito sa pagtataka, mayamaya'y napatawa. "Ang laki ng problema mo girl ha? Kasing laki ng mundo." pang-aasar pa nito.
"Thanks. You're a big help." pairap at sarkastikong saad ni Rachel.
"Ito naman, pikon agad." nangingiting umabrisite sa kanya ang kaibigan. "Bakit ba kasi nagalit sayo ang JD mo?"
"Nagsinungaling kasi ako sa kanya."
"Bakit ka nagsinungaling?"
"I want to be with him."
"Hmm. Eh di mag-sorry ka."
"Naman friend! Alam mo kung gaano kabato ang puso ng lalaking yun, kahit ilang bilyong beses akong lumuhod at humingi ng tawad sa kanya, di pa din niya ako patatawarin."
"Lumuhod ka sa harapan niya?!" windang na tanong nito.
"Hmm. Hindi pa. But I think it's a better idea." Kapag lumuhod kaya siya sa harapan ni JD, pansinin at kausapin na kaya siya nito?
"Gaga, huwag mo ngang maisip na gawin 'yan. Iuumpog kita sa pader ng matauhan ka na. Kung kalimutan mo nalang kaya si JD? Tutal mukhang wala ka namang mapapala sa kanya."
Natahimik siya ng matagal. Kaya ba niyang kalimutan si JD? Walong taon na ang pagsinta niya rito at ni minsan ay di pumasok sa isip niyang isuko ang nadarama para sa binata. Parati niyang sinasabi sa sarili na may pag-asa siyang magkaroon ng lugar sa puso nito dahil di naman siya nito itinataboy palayo. Baka kailangan lang niyang pagbutihan ang panunuyo rito para naman mapansin din nito ang pagsinta niya. Subalit ngayon na tila ito na ang umiiwas sa kanya ay parang gusto na niyang mawalan ng pag-asa.
BINABASA MO ANG
Chasing A Prince Trilogy (COMPLETED Published)
RomanceRepublished. Written by: Gazchela Aerienne Consist of three stories. Book1: You're The Puzzle Of My Heart Book2: Unchain My Heart Book3: Silent Commitment The stories are all came from unedited files so expect the worst grammar. :) Enjoy Reading! H...