ANG AKMANG paglayo ng dalagitang napag-alaman ni Sean na Azinnett ang pangalan─na kailan lang niya nalaman dahil sa naririnig niyang pagtawag rito ng mga kaibigan nito─ay naudlot ng kabigin niya itong muli. Mula ng maganap ang pagkaka-lock sa kanila sa library ay pinilit na niya ang sarili na iwasan ang landas nito. Nagiging distracted na kasi siya nitong nakaraan. Palagi niyang naaalala kung paano ito ngumiti, maging ang mga mata nitong tila kumikinang sa tama ng liwanag ng flashlight ng ballpen niya. Kung magpapatuloy na ganoon ang estado ng pag-iisip niya, malamang na hindi niya makuha ang scholarship na hinahabol niya upang makapag-aral sa ibang bansa.
Afford naman ng pamilya niya na papag-aralin siya sa kahit na anong Universidad na gustuhin niya, subalit ang nais niya'y ang makapagtapos ng di umaasa sa tulong ng pamilya niyang di buo ang pagtanggap sa kanya. Gusto niyang may mapatunayan sa mga ito at maisipan na ng mga itong tanggapin siya sa pamilya. Kailangan pa kasi niyang baguhin ang sarili at maging taong tulad ng nais ng mga ito para lang maging welcome siya sa pamilya. Kailanman ay di niya hinangad na maging sino pa man. He wanted them to accept him as what he was. He doesn't want to change himself just for his family's acceptance. He wanted to be as what he is. At iyon ang ipapakita niya sa mga ito, ang totoong Sean. Hindi ang Sean Cedric na nais ng mga itong maging.Kaya nga't wala siyang pakialam kung bulong-bulungan man sa campus ang pagiging suplado at mapagmataas niya. Iyon siya, gusto niyang kung gugustuhin siya ng mga tao, dapat na gustuhin din ng mga ito ang masasamang katangian niya.
Kaya lang, parang nag-iba ang takbo ng ihip ng hanging nilalanghap niya ng gabing iyon, dahil ang dalagitang parati ng gumagambala sa konsentrasyon niya at ipinasya niyang iiwasan na niya ay sinimulan niyang lapitan. Matapos niyang mapagmasdan sa malayo ang simpleng ganda na taglay nito ay di niya napigilan ang sarili na hindi ito batiin. Ayaw niya ding maging rude rito ngayon. Ang nais pa nga niya ay ma-please ito sa approach niya upang di ito lumayo sa kanya─which was way different with his plans. Di nga ba't gusto niyang maging siya? Ang suplado at mapagmataas na si Sean? Ano bang nangyayari sa kanya?
What's this little vixen doing to me? Anyway, whatever it is, hindi nalang muna niya iintindihin. Hahayaan muna niya ang sariling maging masaya sa pagpapa-cute rito. Minsan lang naman siyang magpakasaya sa buhay.Masaya siyang makatagpo ng babaeng nagpapakatotoo. At ito palang ang kaisa-isang natagpuan niya.
"Ang dami ko na palang pwedeng itawag sayo. Coward, pikon, at tampuhin. But each of them doesn't mean worse to me. I find it cute pa nga. Ang cute mo kapag napipikon."
Napatunganga si Azinett. Tama ba ang narinig niya? "And I also like that reaction na bigla ka nalang tutunganga sa harap ko, with open mouth." Tumawa ito.
Muli niyang nahamig ang sarili. Di yata niya gusto ang ideya na pinagtatawanan nito ang reaksyon niya.
"Tumahimik ka nga diyan. Naiinsulto na ako ha?"
"Gusto ko din yan. Yung masyado kang deretso sa pagsasabi ng nasasaisip at niloloob mo. There're so many things that... I like from you."
Nagpiyesta ng husto ang puso niya. Marami daw bagay patungkol sa kanya na nagugustuhan nito. Was it mean, he like her? Or was it just like he's thinking of her as his entertainer? Anu't-ano man ang ibigsabihin ng mga salita nito ay isa lang ang naging epekto noon sa kanya, lumulukso ang puso niya sa sobrang saya. Bagaman, wala siyang balak na ipaalam iyon rito. Sosolohin nalang niya ang katotohanang iyon.
"Huwag mo akong dinadaan sa ganyan. You can't get me with those bluffing words."paismid na tugon niya.
"I'm not bluffing."
"Oh, sure! Your call."She rolled her eyes. But she smiled, after.
"Are we friends now?"
"Kung hindi bawal na makipagkaibigan ang isang alikabok na tulad ko sa isang prinsipeng tulad mo, then we're friends starting tonight."
BINABASA MO ANG
Chasing A Prince Trilogy (COMPLETED Published)
RomansaRepublished. Written by: Gazchela Aerienne Consist of three stories. Book1: You're The Puzzle Of My Heart Book2: Unchain My Heart Book3: Silent Commitment The stories are all came from unedited files so expect the worst grammar. :) Enjoy Reading! H...