A/N: Under editing pa po ang story kaya expect wrong grammars at mga mali sa bawat chapter.
______&&&&__&&&&&&
Chapter 3DEA POV
One week na ako sa mansyon ng mga Fuentez. Mababait naman ang mga amo ko. May tatlo silang anak. Dalawang lalaki at isang babae na syang bunso. Pero sabi ni Manang Fe, apat daw talaga sila. Yong panganay ay nasa ibang bansa pero iba ang tatay nito hindi si Mr. Fuentez.
"ate Dea, can you fix my hair?" tanong ni Princess Ieya. Ang babaing bunso ng mga amo ko. Mabait siya at agad kong napalagaYan ng loob.
"Ahm ano bang gusto mong ayos?"
"Anything po,kaw na bahala ate hehehe."
"Sige ba."Pagkaalis ni Princess ay tinawag kami ni Manang Fe.
"Oh ayusin niyo ang kwartong bakante sa taas. Yung iba naman tutulong sa kusina sa paghahanda para sa gagawing handaan bukas."
"May darating po ba tayung bisita?"tanong ni ate Letty isa ko ring kasambahay.
"Hindi bisita kundi ang panganay na anak ni maam Sheena ang darating."-manang Fe.
"talaga?"si Abby naman. Kasambahay din."May welcome party din na magaganap bukas kaya marami tayong gagawin ngayon. Three years kasi na walang uwi-uwi ang batang yon. Tsaka victory party narin daw dahil sa pagiging isa sa pinakasikat na businessman niya sa buong mundo."
Napanganga kami sa sinabi ni Manang lalo na si Abby.
"Talaga manang?"halatang interisado na tanong ni Abby. Pinagpapantasyahan nga niya sina Ian at Ivan.
"Gwapo rin kaya siya? "naging heart pa yung mga mata nitong bruhang si Abby."Tumigel ka nga dyan Abby, tayong mga katulong eh siguradong walang kapag-apag'asa sa mga amo natin."hirit ni Sonya.Siya yong medyo masungit dito samin.
"So... Libre namang mangarap no!!"
"Tumigel na kayo. Sige gawin niyo na kung anong utos sa inyo"-Manang Fe.
Kumilos kami agad dahil bukas na pala darating yong anak na panganay.
Gwapo kaya siya't mabait? sana naman. Biruin mo bilyonaryo na sa sariling sikap kahit binata pa. Taken na kaya siya? Naeexcite tuloy akong makita yun.
Erase! erase! Amo ko siya kaya di pweding pagpantasyahan. Tumigel ka Dea!! Katulong ka lang."Ano kayang hitsura ng anak ni maam Sheena no? Wala manlang kasi siyang picture dito."-ako yan.
"Tanongin kaya natin si Manang Fe? Kasi siya yong pinakamatagal na dito. Halos tayong lima yong baguhan. Kaya siguradong alam niya ang hitsura ng anak ni maam."-abby.
"oo nga no? Pero baka sermon lang abutin natin dun."-ako.
"Di naman siguro.. Balita ko masyadong masungit ang taong yun."
"ha? Bakit daw?""Iwan! Jolly typ naman daw un noon hanggang sa niloko ng girfriend kaya naging sungit. Naku paniguradong pangit at matanda siyang tingnan dahil sa kasungitan niya."
""Baka nga!"
"Si sir Ivan at Ian nalang pagpapantasyahan ko."abby.Nagtawanan nalang kami.
..
..
..
..xiam19
BINABASA MO ANG
ALWAYS BE MY HERO- Completed
ActionHindi man maisip ni Dea pero lagi siyang napapahamak. Ngunit sa tulong ng isang lalaki na laging nagliligtas sa kanya ay di naman talaga siya tuluyang napapahamak. Paano kaya kapag yong taong nagliligtas sa kanya lagi ay kanyang minahal? Posible rin...