DEA's POV:
Itinigil ko ang kotse sa di kalayuan ng bahay na pinasukan ni Jude. HINAy-hinay akong lumakad papunta dun.
"Wow kuya Jude! Ang gaganda naman ng damit na binili nyo sakin. Salamat po kuya! Ur d' best!" narinig kong sabi ng isang bata.
"Salamat din po dito kuya. May damit at laruan na ako."NAKAsilip na ako ngayon sa bahay. Gawa ng kahoy at pawid ang bubong.
Aayos sana ako ng pwesto nangmatapilok ako kaya tumama ang katawan ko sa mga nakahilirang kahoy sa likod ko.
"Ahhhhhhhh!!!"
Bago pa magbagsakan sakin ang mga kahoy ay dumating si Jude. GInawa nyang shield katawan nya para di ako matamaan ng mga kahoy. Sya tuloy ang natamaan. Pero carry naman nya yan ..di naman malalaking kahoy yun.
"Anong ginagawa mo dito?" oh di ba! Di sya nasaktan.
Kumirot paa ko. Sa pagkakatapilok ko ata."ouch!! Maya na nga ang tanong! Ang sakit ng paa ko. NAtapilok kaya aKo!"
"Ha? SAn banda!?" ayan nataranta sya. Parehas talaga sila ni Ishaan taranta kapag may masakit ako. Kaya pano ko masasabi na di sya si Ishaan?
BINUHAt nya ako.
Napangite ako.
"Akala ko ba masakit paa mo? Anong ngini-ngite ngite mo dyan?" sabay baba nya sakin."Masakit talaga paa ko. Pramiz!" nakangiwi na ako nyan.
BUmalik sya para buhatin ako papasok ng bahay.
"girlfriend mo kuya?" tanong ng batang babae. Anim na taon ata."Hindi Tin2x, naligaw lang sya kaya nanilip ng bahay."
"Ano po maninilip si Ate? sa ganda nyang yan?" sabi naman ng batang lalaki.
"Hindi mga bata! Palabiru talaga tong kuya nyo. Girlfriend nya talaga ako."
"Whooooaahh!! Swerte mo naman kuya!" batang lalaki ulit.
"Tumigel ka Ken. Hindi ko sya gf."
"Kung hindi po...ako nalang mag-gi'girlfriend sa kanya. Di ba miss?"
Natawa ako sa inasal ng bata.
"Tin2x at Ken, tulungan nyo si lola sa kusina.""Upo!" sabi ng dalawa.
Pagkaalis ng mga bata, tiningnan naman ako ng masama ni Jude.
"Bakit mo ba ako sinundan? Hindi nga ako yung Ishaan na sinasabi mo." aniya."So? Di ko naman pinipilit na ikaw si Ishaan di ba?" -ako.
"Ba't mo nga ako sinundan? Umalis ka na!" taboy nya.
"Paano ako makakauwi? Di nga ako makalakad."
"Problema mo na yan! Tssk."
Ang sungit din nya tilad noon kay Ishaan.
MAya-maya pa'y......
"oy! Anong ginagawa mo?" nanlalaki ang matang napatakip ako ng mata. Pano ba naman naghuhubad sya sa harapan ko."Naghuhubad! Ang init kasi. Di ako sanay na may damit pang-itaas."
"Ano? so buong araw kang nakaganyan? walang pang-ibabaw na t-shirt!?"
"Oo, anong problema dun? Ayaw mo nun? Libreng 8 pack abs view!" napangising turan nya.
"Magdamit ka nga!" nakatakip pa sa mata ko ang kamay pero ang totoo nakasilip parin hehehe.
"Ayuko nga!" pagmamatigas nya.
"Sige na! May bisita ka naman kaya magdamit ka muna kahit ngayon lang." pamimilit ko.Wala syang nagawa kundi magdamit
"May bisita ka pala apo!" sabi ng lumabas na lola sa kusina.
"Girlfriend po sya ni kuya..lola!" si Tin2x.
"Ah tlaga? Ah sige magtanghalian muna tayo! Hali kayo."HABAng kumakain kami ay panay ang tingin ko kay Ishaan este Jude. Lahat ng kilos nya talagang parehas kay Ishaan. Mula ulo hanggang paa.
Kailangan kong malaman ang totoong nangyari. Bukas din ay ipapaalam ko kina tito Rafael na buhay si Ishaan.
GABI,
Ang daming lamok sa paligid kaya di ako makatulog. Nakakairita ang mga kagat nila. Ang sakit kaya.
"Oh ano? Kung di mo ako sinundan di mo sana nararanasang makagat ng mga lamok rito. Kawawa tuloy yang makinis mong balat." sabi ni Jude habang nasa may sala din kasi nanonood pa ng TV.Nilatagan ako ni lola Esing ng mga kumot kaya nakahiga ako ngayon sa sala.
"tumigil ka dyan! Kung di lang talaga kita mahal di ako magtitiis dito." mahinang sabi ko."Anong binubulong-bulong mo dyan?"
"Pakialam mo!"
"Aba! Sinundan mo ako dito tapos ang sungit mo!"
"Sino satin ang masungit dito? Buysit!!" tumayo ako kahit masakit paa ko. Tinungo ko ang kwarto ni Jude. Dun ako matutulog. Ni-lock ko lang ang pinto para sya ang matulog sa sala.
..
..
BINABASA MO ANG
ALWAYS BE MY HERO- Completed
ActionHindi man maisip ni Dea pero lagi siyang napapahamak. Ngunit sa tulong ng isang lalaki na laging nagliligtas sa kanya ay di naman talaga siya tuluyang napapahamak. Paano kaya kapag yong taong nagliligtas sa kanya lagi ay kanyang minahal? Posible rin...