Simula ng araw na yun ay naging kami na ni Ishaan. Masayang-masaya ako. Very sweet din pala tong si Ishaan. Lagi kasing nagpapadala ng chocolates at flowers araw-araw. Sa office man o sa school.
Wala na akong mahihiling pa.
Pagkauwi ko sa bahay ay may iniabot sakin ang katulong. BOx iyon na halatang regalo ni Ishaan.
"Ito talagang tao na to walang absent sa pagpapadala ng mga regalo.
Mabuksan nga!!
"Haaaaaaaaahhhhhh!!!!!!"😱😨😰
Napasigaw at naitapon ko ang box dahil pagbukas ko ay may picture ako dun at may dagang walang ulo habang naliligo sa sariling dugo.
"Maam, anong nangyari?" sabi ng dumating na katulong.
"Alisin nyo yan!"
Nilinis nya agad yun.
Nanginginig na tinawagan ko si Ishaan.
" Dea? Bat napatawag ka? Miss mo na agad ako no?"-sya."Ishaan," nanginginig kong bigkas.
"What happened? Bakit nanginginig ang busis mo? Sige2x I'll be there!"
Dahil di ko na masagot si Ishaan ay pinuntahan nya nalang ako. Sinabi ko yung tungkol sa box.
"Sino kayang hayop ang gagawa ng ganito?"
"Di ko alam Ishaan😰"
He hug me.
"Dito ka lang sa tabi ko. Natatakot ako Ishaan.""Dont worry Dea, di kita iiwan at pababayaan. Di ko na hahayaang masaktan ka pa ulit nila."
Akala ko yun lang ang gagawin ng kung sino mang nagbabanta sakin. May kasunod pang nangyari. Habang nasa CR ako ng school building ay may kahina-hinalang lalaki. Pagkalabas ko ng CR ay may print na paa sa labas ng pinto. Dugo ang ginamit nun.
Mabilis akong tumakbo. Hindi na ako pumasok ng klase. Pinuntahan ko si Ishaan para i-check namin si Edgardo sa presinto. Nandun ito kaya paano sya Makakapanakot?
Si Sam!!! Baka siya ang may pakana ng lahat ng ito.
"Ishaan, may sasabihin ako."
"Tungkol saan?""Tungkol sa pagkakadukot ko. May kinalaman si Sam. Alam nyang dinukot ako ng stepdad nya. Sinaktan nya pa nga ako ng paulit-ulit. Galit na galit sya dahil kinuha daw kita sa kanya. Kaya baka sya ang may gawa ng mga nangyari ngayon." paliwanag ko.
"Bakit ngayon mo lang sinabi sakin? Napakawalang hiya nya!(kuyum ng kamao) ang sama-sama nya!! Naging kaibigan ka naman nya minsan tapos nagawa nya yun? Humanda siya!! Hinding-hindi ka na nya masasaktan."
"pero paano Ishaan? She's wise, more than what we think." ako.
"May alam akong place na pwedi mong pagtaguan. Siguradong safe ka dun."
Fastforward......
.
Nasa byahe na kami papunta sa sinabi nyang safe place. Isang underwater place ang pinuntahan namin. Isang tunnel na salamin yung dinadaanan namin. E-Imagine nyo nalang di ko kasi ma'explain hehe. Basta nakikita ko sa labas ng salamin yung mga ibat-ibang isda at corals. Super ganda. Di ko naisip ma may ganitong place..."Here we are!" sabi ni Ishaan pagdating namin sa dulo.
Pumasok kami sa isang pinto na elevator ata..ilang saglit pa ay bumukas uit yun. Bumungad samin ang mga taong busy sa kanikanilang gawain. Yung damit nila with uniforms. Ang galing..
"buti naman agent Ash napadalaw ka!" wika ng lalaking nag-intertain samin.
TIka..agent? Sinong agent ash? Wala namang kausap ang lalaking to kundi kami lang.
Alangan namang ako si agent ash hehe...isang agent si Ishaan?? Weeh?
...kaya pala magaling sya sa fightings. Ngayon ko lang naisip yun ah!
"Dito muna sI Dea pansamantala habang may nagbabanta pa sa buhay nya. Ok lang ba agent first?"
"of course Agent Ash"
Basta marami pa silang pinag-usapan na di ko inintindi. Natulog nalang ako sa isang silid na binigay nila.
..
..
..
BINABASA MO ANG
ALWAYS BE MY HERO- Completed
AksiHindi man maisip ni Dea pero lagi siyang napapahamak. Ngunit sa tulong ng isang lalaki na laging nagliligtas sa kanya ay di naman talaga siya tuluyang napapahamak. Paano kaya kapag yong taong nagliligtas sa kanya lagi ay kanyang minahal? Posible rin...