CHAPTER 7- My Hero!

128 6 1
                                    

CHAPTER 7

DEA'S POV

Habang nag-aalmusal kami ni lola ay may kumatok sa pintuan. Binuksan ko yun at bumungad sakin yung lalaking dahilan ng pagkamatay ni lolo.

"Anong ginagawa mong gago ka dito?" galit na bungad ko sa kanya.

"Di ba sabi ko na babalik aKo pagkatapos ng isang linggo para maningil?"-sya

"Eh gago ka pala eh! Namatay ang lolo ko ng dahil sayo kaya kulang pa ba yun?" singhal ko.
Ngumisi lang sya.

"Ano may pambayad na ba kayo?"

"Umalis ka na dito kung ayaw mong matadtad yang mukha mo sa kamot ko."-ako.

"Hhahaha aalis lang ako dito kapag sumama ka! Halika na!" sabay hablot ng kanang kamay ko. Kinaladkad ako palabas.

"Bitawan mo ang apo ko!" sigaw ni lola.

"Ano ba bitawan mo ako!"  sabay kagat sa kamay nyang nakahawak sakin.
"Aaaaaaaahhh awwww!!! "

Buti nga sa kanya. Patakbo na ako papasok nang mahablot nya ang buhok ko.

"San ka pupunta ha!?naghahanap ka talaga ng sakit no!?"-gigil na turan.

"Bitawan mo ako!"

"tumigel ka!" at sinampal ako. Mga bes,,ang sakit ng sampal nya. Sa tanang buhay ko  ngayon lang ako nasampal ng ganito.

"Kapag di ka tumigil di lang yan ang aabutin mo." dugtong pa ng langyang lalaki nato.

"Sige subukan mo pa!" hamon ko sa kanya.

"Aba'y matapang. Yan ang gusto ko sa mga babae."

Walangya talaga ang lalaking to!  Ki lalaking tao nananabunot. Masakit na talaga yung ginawa nya. Bigla ko syang siniko sa mukha. Dahil sa nasaktan ko sya.... Buti nga sa kanya! Kaya itinaas nya ang kanyang kamao para siguro suntukin ang beauty ko.

"Sige subukan mong saktan ang babaing yan kung gusto mong mabalian ng leeg." wika ng dumating na si Ishaan.

"Sino ka bang pakialamiro !?" sabay suntok sana kay Ishaan pero nakailag sya.  Hinawakan niya yung dalawang kamay at pinilipit sa likod nito.

Tumulong yung dalawang kasama ng lalaki at sumogud sa kanya ngunit sipa at suntok  lang ang natamo ng mga ito.
Buti nga sa kanila. Nagsipagtakbuhan ang tatlo.

Hay naku Ishaan, pang-ilang bisis mo na akong iniligtas?  You're like my hero na..dumarating kapag nangangailangan ako ng tulong. Sana habang buhay mong gawin yan.

Parang may naglutangang ulap sa paligid at si Ishaan lang nakikita ko. Nag-slow motion ang paligid lalo na nong tumingin sya sakin. Hmmmmp 😍

"Dea! Dea? ok ka lang apo? ba't napatulala ka dyan?" si lola.

"Ha? a..... e.... wala po lola. Natulala po ba talaga ako?"-ako
"oo.. Ayan kanina ka pa kinakausap ng panaohin mo."

Ha?  Kinakausap ako ni Ishaan? Naku!! Nakakahiya! Di ko pa sya kayang harapin.

"Nandito ako para ipaalam sayo Dea na gusto kang makausap ni daddy. May importante daw syang sasabihin." seryosong sabi nya.

Ha?  Ano naman kaya yung sasabihin ni sir Rafael? May nagawa ba ako? 😨
..
..
To be continue!

Abangan nyo kung ano ang sasabihin ni sir Rafael sa ating bida.

.. .tnx for reading!!!😊

ALWAYS BE MY HERO- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon