CHAPTER 17- Pain

128 4 0
                                    

DEA's POV:

Hinang-hina na ako dahil sa gutom. Isang araw at kalahati na akong di kumakain. Hindi ko kasi kinakain ang binibigay nila. Mas mabuti nalang mamatay ako sa gutom.

"Ang tigas talaga ng ulo mong babae ka. Sinabing kumain ka eh.!!" Galit na galit na sabi ng lalaking tagahatid ng pagkain.
Hinawakan niya bibig ko at pinilit na subuan. Ngunit iniluwa ko lang yun.

Dahil sa subrang inis ng lalaki ay sinampal nya ako. Naramdaman kong dumugo iyon.

"Humanda ka sakin kapag nakatakas ako.!"
Shit!!sakit...tiningnan ko sya ng masama.
Hindi na ako natatakot sa kanila o sa mangyayari sakin. Mamamatay akong lumalaban.

"Haha! Kung makatakas ka pa."

"May magliligtas din sakin"

"Sino? Yung lalaking laging nakabuntot sayo? Yun ang akala mo! Kinalimutan ka na nya. Isipin mo nga..magdadalawang linggo ka na naming bihag pero di parin dumadating yang hero mo. Sabagay busy siguro. Busy kay maam Samantha."
"anong ibig mong sabihin?"

"ah di mo pa pala alam. Ang inaantay mong magliligtas sayo..ayon!! laging ka-date ni maam Sam. Sila na nga raw eh."

"Hindi totoo yan!" nasabi ko kahit alam kong pWedi naman talaga mangyari yun.

"Kapag sinabi ko totoo yan. Kinalimutan ka na nyang hanapin. Kawawa ka naman." iiling-iling pa na pang-iinis nito. Sarap nya talagang sakalin.
Hindi ako maniniwala sa ugok na to. Alam kong hinahanap parin ako ni Ishaan.
"gusto mo ba ng ebidinsya? Wait lang huh? Mag'log-in lang ako s facebook. Total friend ko naman dito si Maam."

Kinuha nga nya ang cp at binuksan yun
Maya-maya ay may ipinakita saking mga photos.
Nandun sina Ishaan at Sam. Magkasamang kumakain sa isang restaurant. May picture pang sinusubuan ni Sam si Ishaan. Marami pa silang selfy. Pero ang umagaw talaga sakin ng atensyon ay yung naghahalikan ang dalawa. One hour ago palang na kaka-apload ng mga photos

Parang binayo ng paulit-ulit ang puso ko sa nakita. Ang sakit-sakit palang makita si Ishaan na masaya sa iba samantalang ako hito naghihirap. Parang hindi ako makahinga. Lalo akong nanghina.

Bakit Ishaan? Bakit ang sakit nito subra? Parang hinihiwa ang puso ko. Di ko alam kong makakaya ko to.
Wala ng saysay ang buhay ko ngayon Ishaan. Bakit simula pa noon lagi mo nalang akong sinasaktan. Paasa ka rin.

"Ano naniniwala ka na? Kaya kung ako sayo kumain ka na dhil matagal-tagal ka pa atang didispatsahin ni boss."

Di na ako kumilos ni tiningnan ang buysit na lalaki. Parang na estatwa na ako. Tanging mga luha ko nalang ang nag-uunahan magbagsakan. Sa lahat ng mga nangyari, ito sigurong mga nalaman ko ang hindi ko makakayanan.

Akala ko may pagtingin narin sya sakin dahil sa lagi nya akong nililigtas. Akala ko mahalaga na ako sa buhay nya dahil sa ipinakita nyang pag-alala. Akala ko nagseselos na sya kapag may kausap akong iba. Lhat ng mga iyon akala lamang. Masyado akong naging assuming.
Bakit di ko naisip na mahal pa talaga nya si Sam.

Ganito siguro ang buhay. May taong di magiging atin kahit gustong-gusto natin sila.

Yong akala natin na gusto tayo pero nag-a'assume lang pala tayo.

Ang hirap talaga lalo na't mula pa noon sya na talaga ang laman ng puso ko. Ang sakit! Subrang sakit!

Hindi ko na namalayan kung ilang oras akong umiyak.

Kalungkutan, pangungulila kay lola at ang sakit na dulot ni Ishaan ang nararamdaman ko ngayon.

Kung nandito lang sana sa tabi ko si lola siguradong gagaan pakiramdam ko.
..
..
..

ALWAYS BE MY HERO- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon